Paunawa:
Ang kwentong ito ay isang kathang isip lamang.
Ang mga tauhan na mababanggit sa kwento ay
sinadya para makapang-asar lamang,humihingi
ng paumanhin ang may-akda.
Sa gitna ng gubat naninirahan sila Karding at ang pitong duwende.
Paglulukad,pagtatanim ng kung anu-anong gulay at pag-aalaga ng
hayop ang ikinabubuhay nila. Pero dumating ang araw ng taghirap.
Ultimo si Karding ay hindi na makapgload ng talk100 dahil sa sobrang
tumal ng bentahan.
Nakakaraos naman sila sa pang araw-araw kahit krisis, dahil lagi naman
silang nagtutulungan. Si Oslek ang unang dwende,lalake. Pinakamatanda sa
pitong dwende. 74yrs. old na sya, pero kung titingnan mong mabuti eh para
lang syang 73yrs. old. Si eklubek naman ang pangalawang dwende,lalake.
Malakas mambasag ng trip. Kung may load ka at unli call and txt, ok lang na
pahiramin mo sya ng cellphone basta wala kang extra load. Kase ipinapasa nya
sa number nya. Si jessy naman ang pangatlong dwende, babae. Kaso mukha
syang lalake. Si Isko ang pang apat na dwende. Lalake, artistahin ang mukha
kung ikukumpara mo sa pitong dwende, sya ang pinakamaayos ang mukha.
Si Muhar ang pang limang dwende. Maganda ang pangangatawan. Suma-side
line sya sa mga gaybar tuwing mahina ang ani ng papaya. Si tristan naman ang
pang anim na dwende. Matalas ang pag-iisip. Sya ang nakaembento kung paano
mag tooth brush. Ang panghuling dwende ay si boyet. Pinakabatang dwende at pinaka-
madiskarte sa lahat.
"Karding, kukunti na ang pagkain natin. Baka tumirik na ang mga mata natin sa gutom."
Wika ni boyet. "Dapat gumawa ka ng paraan, pumunta ka sa mundo ng mga tao para alamin kung bakit namamatay ang mga alaga nating hayop at pananim." Sabi ni Tristan na nag-aalala na. (uo nasa ibang mundo sila at gubat pa) "Sasamahan kita sa mundo ng mga tao Karding".
Wika ni Muhar na parang sabik na sabik makakita ng tao. "Gusto ko kaseng marating
ang mundo ng mga tao saka gusto kong bumili ng PSP para pag balik ko dito ay
hindi na lang puro agawang blade ang nilalaro natin". "Sang ayon ka ba sa plano ni Muhar Oslek?" "Dahil ikaw ang pinakamatanda, ikaw dapat ang mag desisyon." Wika ni Jessy.
Sang ayon ako sa balak mo Muhar." "Saka kong hindi mo mamasamain,pwede mo
ba akong igawa ng face book account sa computer shop sa mundo ng mga tao?" Sabi ni Oslek.
Yon lang ba? Gawa na rin kita ng myspace at twitter. Wag ng friendster, laos na yon eh."
Pahayag ni muhar.
-itutuloy
abangan ang pakikipagsapalaran
nila Karding at Muhar sa mundo
ng mga tao.
the author would like to thank:
-peewee for my hairstyle
-boss Rey for my "chowking Dameryends"
-nin_new adam rey velarde for the boy bawang
-lola ni kim for the bed space