Saturday, November 27, 2010

Si Karding at ang Pitong Duwende (Part 6)

Umulan nga ng malakas. Tulad ng inaasahan nila. "Muhar, pag hindi tumigil ang ulan sa loob ng isang
oras ay tiyak na mamamatay tayo ng walang kalaban-laban dito." wika ni Karding na lubha ng nag-aalala.
"Tama ka, lampas na ng tuhod ko ang tubig, patay tayo nito." Sagot ni Muhar. Lumipas pa nga ang ilang
minuto ay hindi pa din tumitigil ang ulan. "Malapit na sa bibig natin ang tubig Muhar, sadyang mapaglaro
ang tadhana." wika ni Karding na naiiyak na. "Bago tayo mamatay Karding, may aaminin ako sayo, ako nga pala
ang gumahasa sa aso mo noon. Wag mo ng pagbintangan si Oslek." wika ni Muhar. Bago pa man makagalit si Karding
ay bumuhos na ang malakas na ulan at umabot na ang tubig sa kanilang ulo.

"Bulatchaw, bulatchaw, bulatchaw, moshi moshi bulatchaw!" (lalaking kumakanta) Habang naglalakad ang isang lalaki
ay napansin nya na may nalulunod sa hukay na ginawa ng dalawa. Dali dali syang tumalon sa hukay para iligtas ang dalawa.
Wala pang dalawang minuto ay naiahon nya sila Karding at Muhar. Pinulsuhan ng lalaki ang dalawa, at nalaman nyang
wala lang malay ang dalawa. "Buhay pa ang dalawang to, wala lang silang malay." wika ng lalaki. Nagpasya ang lalaki na iuwi muna ang
dalawa sa kanilang bahay. Makaraan ang isang oras, nakarating na ang lalaki sa kanyang bahay. Hinayaan nya munang magpahinga
ang dalawa sa kanyang kwarto. Makalipas ang limang oras ay nagising na si Muhar, "Karding gumising ka." Wika ni Muhar habang sinasampal
sampal si Karding. Biglang nagising si Karding, "Nasan tayo?! Halos sabay na naitanong ng dalawa sa bawat isa. "Buhay pa tayo
Karding." wika ni Muhar. Narinig ng lalaking nagligtas sa kanila na gising na ang dalawa kaya't pumasok na ito sa kwarto.
"Kumusta na kayo? Ako nga pala si Jet Li, nakita ko kayo kanina habang pauwi ako, nalulunod kayo sa hukay kaya iniligtas ko kayo.
Nagtataka lang ako bakit ba nagkaroon ng hukay doon, samantalang lagi naman ako dumadaan don ay wala akong nakikitang hukay.
Tanong ng lalaki. Hindi muna nakapag salita sila Karding at Muhar, dahil hindi nila alam ang isasagot. "Sandali lang, at ikukuha ko
kayo ng makakain, alam kong gutom na gutom na kayo." wika ni Jet Li.

"Muhar, magpapakilala ba tayo sa lalaking yon? At sasabihin natin ang totoo sa kanya?" Tanong ni Karding."Siguro sabihin na natin
ang totoo sa kanya, mukha naman syang mabait eh." wika ni Muhar. Ilang sandali pa lang ay nakabalik na ang lalaki. "Sige, kumain lang
muna kayo ng kumain, saka na kayo mag kwento pagkatapos nyong kumain. "Wika ng lalaki. Pagkatpos kumain ng dalawa ay sinabi na nila
ang totoo. "Ang totoo nyan, hindi talaga kami taga rito sa mundo nyo. Kaya ka nakakita ng hukay don sa dinadaanan mo palagi dahil
hinukay namin yon. Meron kase kaming bagay na hinahanap para maibalik ang dating sigla sa lugar namin." salaysay ni Muhar.
Natatawa naman ang lalaki dahil hindi sya naniniwala sa dalawa. "Bakit ka tumatawa? Hindi ka naniniwala sa kwento ko?" Naiinis na
tanong ni Muhar.Lumapit si Karding at nag magic sya, sa nakita ng lalaki ay namangha at naniwala sya sa kwento ng dalawa.
"Totoo palang may mga taong naninirahan sa ibang mundo." "Matutulungan mo ba kami?" tanong ni Muhar. Kanina pa kami nagkekwento
pero hindi mo pa kami kilala sa pangalan, ako nga pala si Karding, sya naman si Muhar." Wika ni Karding. "Pano ko naman kayo matutulungan?
sa paanong paraan? "Alam nyo ba ang hinahanap nyo? tanong ni Jet Li sa dalawa. Nagkatinginan lang ang dalawa, "hindi din namin alam.
dahil kanina, meron lang kaming gadget na ginagamit para madetect yon bagay na hinahanap namin, kaya nga kami nakarating dun sa hukay
kanina. Kso nasira na yong gadget dahil nabasa kanina. Hindi naman kami pwedeng gumawa ulit o mag magic ng ganun. Dahil isang beses
lang pwedeng gawin." paliwanag ni Muhar.

Sa palagay ko, ang maitutulong ko lang sa inyo ay patuluyin ko muna kayo dito sa bahay ko. Wala naman akong kasama dito. At madalas
ay nandito lang ako sa bahay, nagsusulat ako sa mga peryodiko at gumagawa ako ng ilang article. Isa nga pala akong manunulat aktibista.
Hindi ko na ipapaliwanag sa inyo dahil baka hindi nyo rin maintindihan."Wika ni Jet Li. "Siguro kung sa mundo nyo, nawala ang sigla, dito
naman sa mundo namin.. wala na din halos sigla,dahil halos natutulog na ang mga tao at sa pamamagitan ng panulat at papel, sinusubukan kong
gisingin ang mga tao."


-itutuloy.

________________________________________________________________