Wednesday, April 13, 2011

2 Abducted Activists Remembered in Iloilo




“It has been four years of agonizing, searching and waiting for any news about them. Will they ever find justice?”







galing dito..








Saturday, April 2, 2011

High na Highschool Puppet

Nawala na lang ang hilig ko sa mga bagay na kinokoleksyon ko noon bukod sa ipis na kulay brown na nagbabatik batik at gagamba ay simula nang tumuntong ako nang highschool. Trivia, sabi kase ng kaibigan ko, dalawang klase ang ipis. Isang malinis at isang madumi. Hindi ko na lang tinanong kung bakit naging malinis yong isang ipis dahil sumasakit lang ang ulo ko. Pero papatunayan daw nya yon kase isa syang mekaniko ng motor. Kaya lalong sumasakit ang ulo ko. Trivia naman para sa gagamba. Sabi naman nang kaibigan ko na operator ng tarpaulin printer, ang ipot daw nang gagamba ay mabisang pampabwenas para makahuli ka ng maraming gagamba. Ang paraan, sasahurin mo ang ipot at ipapahid mo sa ulo mo. Dito ko napatunayang pwede ka din palang makaipon ng head and shoulder shampoo pag marami ka nang gagamba. (Matuwa kaya saken ang head and shoulder para sa free ads,o magalit ang mga gagambang manunubok?)

Balik tayo sa highschool. 1st 5 days ang pinaka trip kong araw noon. Bukod kase sa wala pang masyadong klase eh, dito nagaganap ang araw nang eleksyon para sa mga Officers. Una, ang Presidente. Ok lang naman maging Presidente ng klase nyo, bukod kase sa sikat ka na eh papasa ka pa din at makaka-graduate kahit boong 4th grading kang hindi pumasok,( base sa aking classmate noong highschool) basta papapinturahan mo lang ang boong class room. Pangalawa, Bise Presidente. Wala lang, karaniwang nagiging Bise Presidente nang klase ay yong natalo sa Presidente nang klase sa unang nomination. Talagang nagiging Busy Presidente ka dahil wala lagi ang Presidente. Pangatlo, ang Sekretarya. Ito na yata ang pinaka-mabigat kung tutuusin. Taga lista ka ng mga maiingay, pauso kase ng teacher yon. Tatahimik na ang klase,may extra income pa sila. Kadalasang sinasabi na ibibili daw ng projects o mag-a outing ang perang maiipon pero minsan eh hindi naman natutupad. Kawawa talaga ang Sekretarya dahil pag tinatamad mag turo ang mga teacher dahil hindi sila maka move-on sa napanuod nilang teleserye noong gabi kaya magpapasulat na lang sila sa black b0ard sa Sekretarya. Trivia, pag tinatamad ang magturo ang teacher ay papasulatin kayo sa one whole paper ng "hindi na ako mag-iingay sa klase." Pakulo lang nila yon,kunwari ay galit sila pero ang totoo ay tinatamad lang talaga silang magturo. Pang apat, Ingat Yaman. Dito iniipon ang mga multang nakurakot na nailista ng Sekretarya na maiingay o late sa klase. Ang Ingat Yaman din ang karaniwang nagigipit dahil nagagastos nya ang pera sa kalilibre nya sa mga kaklase nya tuwing uwian. Ang ang mga sumunod na Officers ay wala ng kwenta pwera na lang sa Peace Officer at Muse. Oo, Peace Officer na kadalasang nagtatago pag may nag aaway na kase uso ang mga gang noon. Ang Muse naman kase ang naghahatak ng pera tuwing may mga racing funds at magkakaroon ng Miss P.E, Miss Math, Miss C.A.T, Miss Jejemon at kung anu ano pang kalokohan para daw makaipon ng pundo na kadalasang nabibili naman ay electricfan lang at basurahan. Highschool na nga talaga ang di ko malilimutang panahon. Dito din kase ako nagkameron ng wirdong Adviser sa klase. Pinasara kase nya ang comfort room ng room namin dahil hindi daw kami naglilinis. Tapos pagkaraan nang anim na buwan ay pinabuksan nya at grand opening pa. May cutting ribbon at marami ding handa. Syempre tuwang tuwa naman ang lahat dahil walang klase nang hapon at nakaligtas kami sa bagsik ng teacher namin sa Math. Wala na akong ibang maalala nong highschool bukod sa PTA (Patay Tayo Ambagan) na lubos na ikinatutuwa ng mga magulang.