Monday, November 19, 2012

Simoy Ng Kanyang Sining


Simoy ng Kanyang Sining
-lenkurt lopez

Naaamoy ko na ang simoy ng kanyang sining.
Napasinghap ako sa indibidwal na patak ng ulan.

Kumikislap ang maliliit na tanglaw.
Tila isang pag-asang patay-sindi sa gitna ng karimlan.
Bukang liwayway, patay na sinindihan--
sa pagbabagong anyo ng sariling kapakanan.

Naririnig ko na ang simoy ng kanyang sining.

Tumatagos sa balat ko ang mga nota,

malamig

mahapdi

at makirot.

Naging instrumento ang himig ng mga batang yapak.
Yakap ang tambol at kumakalam na sikmurang pinagkaitan.
Itinaboy, humakbang palayo.

Naghabilin ng ngiti,
sa gitaristang postura't may hawak na sobre.
Sa kanya'y humalili--

narinig kong muli ang simoy ng kanyang sining.

Taliwas sa payak na diwa ng pagsilang sa sabsaban.

Nadarama ko na ang simoy ng kanyang sining.
Pinaunlakan s'ya ng hangin.
Nagkipag-isang dibdib upang hindi ito maangkin

No comments:

Post a Comment