Friday, February 22, 2013

SMMarikina



                                    Nagtrabaho rin ako sa Riverbanks, sa habagat.

SMMarikina


singtaas ng SM
ang tulay ng Marikina
singtaas rin ng tulay ang utang
na mga patongpatong
na pangarap-
at ang kolateral;
mga taong nasa
ibaba ng tulay
na itinuturing nilang
libingan ng mga buhay.





Kaway Para Sa Tagumpay





Sino nga naman ba ang mag-aakala na sa kabila nang pagkaway nila'y mayroon silang hinihintay na madamot na hustisya?

Tulay Tawiran


Mistulang estatwa ang batang payat sa bungad ng tulay-tawiran sa Cubao. Tulala--habang nakasahod ang kanang kamay na hindi nakararamdaman ng ngalay.
Naghihintay na baka sakaling may mag-aalay, upang maitawid ang pang-araw-araw na pamumuhay na nag-aagaw buhay. At sa dulo ng tulay, hawig na hawig niya ang Ale, nanggigitata ang suot, pinaitim sa usok ng mga sasakyan ang kanyang balat. Magkapareho sa kanila ang lahat-lahat; magkapareho rin ang mga billboard pagkalagpas ng tulay--at ang Araneta.

May Isang Troll

Masarap mag-troll kapag walang magawa kesa magtikol. Pero ang pagto-troll (para sa akin) ay isa ring sining, dapat magawa o maipamalas mo ang galing sa pagto-troll(may mapipikon at maasar). Gago yong mga nagsasabing ilugar raw ang pagto-troll, e pano pa naging troll yon kung ilulugar?

Wednesday, February 20, 2013

Antayteld

Nakakataba ng puso ang isang stand up comedian na nakasabay ko pag-order sa burger machine sa loob ng vista verde village, sabi n'ya--diba isa ka  sa km64 kuya? Siya nga pala 'yong pinakahuling nagperform sa freedom bar noong event sa salang, namukhaan ko. Salamat, kahit papaano, nakikilala rin ang km64 hindi lamang bilang isang indibidwal na makata--at ang mas mahalaga, nakikilala ang layon nito.

Sunday, February 17, 2013

Antay-teld

Bakit kung sino pa ang malayo ang pinanggalingan 'yon pa ang nauuna sa tagpuan? Baka siguro dahil mabilis ang bus na galing timog. Pero ang mahalaga--nakapagprop.
Salamat sa manggagawang bukid sa Brgy. Cut-cut, Hacienda Luisita.