Friday, February 22, 2013

Tulay Tawiran


Mistulang estatwa ang batang payat sa bungad ng tulay-tawiran sa Cubao. Tulala--habang nakasahod ang kanang kamay na hindi nakararamdaman ng ngalay.
Naghihintay na baka sakaling may mag-aalay, upang maitawid ang pang-araw-araw na pamumuhay na nag-aagaw buhay. At sa dulo ng tulay, hawig na hawig niya ang Ale, nanggigitata ang suot, pinaitim sa usok ng mga sasakyan ang kanyang balat. Magkapareho sa kanila ang lahat-lahat; magkapareho rin ang mga billboard pagkalagpas ng tulay--at ang Araneta.

No comments:

Post a Comment