"Napag desisyonan na ng lahat na si Karding at Muhar ang pupunta sa mundo ng mga tao."Mag-iingat kayong dalawa sa mundo ng mga tao."Handa na ba kayong dalawa? Muhar at Oslek? Kung handa na kayong dalawa, at hawakan nyo ang tigkabila kong tenga para nakapag teleport kayo sa mundo ng mga tao." Uulitin nyo lang ang sasabihin ko." Wika ni Oslek. Lumapit si Oslek sa gitna ng dalawa para masimulan na ang pagteteleport. "Uulitin nyo lang ang sasabihin ko, naiintindihan nyo ba?" Tanong ulet ni Oslek kase parang hindi na gets ni Muhar at Karding ang pahayag nya. Tumango lang naman ang dalawa kaya inumpisahan na ni Oslek ang orasyon. "POPOPO, POPOPO, POPOPOPO, POPOPOPO, POKERPEYZ, POKERPEYZ. Sa isang iglap ay nawala na ang dalawa sa paningin ng mga Duwende.
"Nasa mundo na tayo ng mga tao Karding!" "Teka wag kang maingay, may paparating. Magtago ka kase baka matakot ang mga makakakita sayo." Bulong ni Karding, "Bakit ikaw? Hindi ka nagtatago?" Tanong ni Muhar. "Eh kase may lahi akong tao,saka mukha naman talaga akong tao. Magtago ka na muna kase malapit na sila." Wika ni Karding,
Andito na kaya yon mga player ng Dota?" Wika ng payat na lalake." Baka nasa bahay sila ni Jules,ay hindi pala. Nasa Bulacan nga pala si Jules." Wika ng mas payat na lalake. "Mamaya na tayo pumasok sa shop. Tambay muna tayo dito sa labas tol." Wika ng payat na lalake.Papasok na ko tol, sunod ka na lang. Sabi ng mas payat na lalake.
"Huwag ka munang lumabas dyan. Diba may power ka? Gayahin mo ang katawang tao na si Jules, yon ang narinig kong pangalan." Utos ni Karding. OK sige, bulong ni Muhar "TING!!" sa isang iglap naging tao na si Muhar.
Lumabas na ang dalawa at dumeretso na sa computer shop. "OH dito ka pala jules? Kala ko nasa antipolo ka?" Wika ng payat na lalake. Namutla ang dalawa kase hindi nila alam ang sasabihin, kakilala pala ng dalawa ang ginayang katawang ato ni Muhar na si Jules. Pero nagsalita na lang ulet ang payat na lalake, "sino naman yang kasama mo Jules?" tanong ng payat na lalake. "Sya si Karding Sungkit. Galing kami sa mun.. mun .. hindi na naituloy ni Jules ang sasabihin kase bahagyang inapakan ni Karding ang paa nya. Wag mong sasabihin ang totoo kung san tayo galing, baka matakot sila." Bulong ni Karding. "Galing kami sa Mulanay tol." Dugtong ni Muhar (JULES). Lumabas ang isang payat na lalake, uh?. sino kasama mo Jules? Tropa ba yan?" wika ng payat na lalake." Galing daw sila sa Mulanay Lui, kala ko nga sa Bulacan sila eh." wika ng payat na lalake. Nilapitan ng dalawa si Karding at nagpakilala, Tol ako si Tots," sabi ng payat na lalake. Kinamayan si Karding, at ang isa namang mas payat na lalake ay nakilala nila sa pangalang Lui. Tara sa loob mga tol. Dota tayo.
Pumasok na nga si karding at muhar sa loob ng computer shop. Walang pumapansin kay muhar at karding dahil busy ang lahat pagdo-dota. Binigyan ng slot(computer) si muhar ng bantay sa computer shop na si tots. Samantalang si karding ay nanonood lang habang gumagawa ng account sa facebook si muhar. Tototot-totot-tototot. Tumun0g ang cp ni muhar kaya natigilan sya sa pag facebook. Tahimik na binasa ni muhar at karding at mensahe. "umayos kay0ng dalawa. Nakikita namin ang ginagawa nyo dito sa hidden cam. Hindi paglalamyarda ang pinunta nyo dyan. Alalahanin nyong may misyon kau." mensahe na natanggap nila mula kay oslek. Dali daling tumayo ang dalawa at nagtatakbo. Hindi namalayan ng mga tao sa computer shop ang pag alis nila.
Habang naglalakad si karding at muhar, nagsalita si karding. "wag mo ng gayahin ang katawang tao na si jules. Kase nakita ko sa facebook,sikat na sikat sya. Baka makaencounter tayo ng mga kakilala nya mahalata tayo." Wika ni karding. "mabuti pa nga," wika ni muhar. "heto,may dala akong magazine dito,pumili ka na lang dito ng gagayahin mo."wika ni karding. Wala pang isang minuto,nakapili na si muhar ng isa na namang katawang tao. Simple ang mukha, celebrity pero hindi masayadong sikat. "ok na ba karding?" nagsalita si muhar kase baka masapawan pa sya ng narrator. "Uo,ok na ok na yan,pwede na siguro tay0ng mag-uli para sa ating misyon."
Dederetso na sana si Karding at Muhar sa pag lalakad pero natigilan sila, kumakalam na ang sikmura ko Muhar, maghanap tayo ng makakainan." wika ni Karding, uo nga, ako din eh. Gutom na ako, tamang tama. katapat na natin tong kainan," sabi Muhar. Pumunta na nga ang dalawa sa kainan.Umorder ang dalawa ng mga ulam.At nagsimula ng kumain. "Masarap pala ang pagkain dito sa mundo ng mga tao Karding" wika ni Muhar na nabubulunan na. Halos lahat na yata ng putahe eh na order ng dalawa,. Nang matapos ng kumain ang dalawa, sinisingil sila ng tindera para sa kinaen nila. "Nagkatinginan ang dalawa. "oo nga pala Muhar, ganto nga pala sa mundo ng mga tao, kaylangan magbayad ng binili." Lagot tayo nito." Wika ni Karding. "Pwede po bang ginto na lang ang ibayad namin sayo ale? Wala na kase kaming pera." Wika ni Muhar. Natigilan ang babae sa narinig. Inabot na lang nila sa babae ang dalawang pirasong ginto na kaseng liit ng piso. Tinanggap naman ng babae ang ginto at kitang kita sa mukha ng babae ang kasiyahan. Umalis na si Muhar at Karding. Pero lingid sa kaalaman nang dalawa ay pinasundan sila ng Ale sa apat na lalake. Dahil nakita ng ale na marami pa silang ginto, at gusto ng ale na mapasakanya lahat ang mga yon.
--- itutuloy.
Unpredictable ang lupeet..
ReplyDeletepatay kayo jan!
ReplyDeleteyanu! bitin ai!
ReplyDelete