Nalusutan nang dalawa ang apat na lalaki, nagpatuloy paglalakad ang dalawa.
Naglakad,naglakad,naglakad, naglakad ng naglakad. Hanggang maisipan nilang
itxt si Oslek dahil pagod na sila. "Wala ka bang maiibigay samen na senyales na malapit na kami sa pakay namin?" Yan ang message na naitype ni Muhar sa kanyang blackberry curve na Cellphone, matapos maitype ang message.. "TUT!!" "Anak naman nang butanding, check operator pa. sigaw ni Muhar. "Ako na lang ang magtetxt kay Oslek." Pahayag ni Karding. Hindi pa naiisend ni Karding ang message nya para kay Oslek ay natanggap na nya agad ang reply ni Oslek. Hightech ang cp ni Karding kesa kay Muhar.
"Puro kayo reklamo, hindi din namin alam kung paano nyo malalaman ng madali ang misyon nyo dyan sa mundo ng mga tao. Kung napapagod na kayo, bumili kayo ng motor, tigisa kayo!" mensahe na natanggap nila mula kay Oslek. "Oo nga no? Bakit hindi agad nating naisipang bumili ng motor." wika ni Muhar, Naghanap nga nang shop na mabibilhan ng motor ang dalawa. Madali lang naman silang nakakita. Rider 150 ang nagustuhan ng dalawa. "Bayaran na natin to, ok na ok na saken to, ikaw ba Karding? wika ni Muhar. "Ok na din saken to." sagot ni Karding. "Teka, econvert mo na muna yong mga ginto sa pera,baka habulin na naman tayo ng mga tao pag nalaman na ginto ang ibabayad natin." Wika ni Karding. "Sa palagay ko nga tama ka." Sagot ni Muhar.
Matapos ang isang oras na pirmahan ng papel at kunting usapan, nakuha na nila ang dalawang motor.
--itutuloy
that short?!
ReplyDelete