Friday, September 10, 2010

Si Karding at ang Pitong Duwende (Part 5)

Nakabili na nga ng dalawang motor si Karding at Muhar. "O pano? San na tayo pupunta nito? Naka motor nga tayo pero hindi naman natin alam kung asan ba at kung paano natin makikita yon pakay natin dito sa mundo ng mga tao?" Reklamo ni Karding. "Ang hirap ng misyon natin Karding." Wika ni Muhar. "Sinabi mo pa, sana may magic tayo para madali nating makita ang pakay natin." Wika ni Karding. "Diba nga may magic tayo talaga? Kanina pa nga natin ginagamit eh. Buti pinaalala mo haha." Naghagis si Muhar ng isang maliit na bato at tinitigan hanggang maging isang maliit na gadget na kaseng laki lang ng itlog.(take note,itlog ng manok at hindi itlog ng tao para sa mga greenminded. trivia: mas malaki ang itlog ng manok sa tao kahit pagdikitin nyo.) "Wow Muhar ang ganda naman nyan gadget mo. Anong tawag dyan?" tanong ni Karding. "Yan ang tinatawag na "detector x". Makikita natin sa screen na yan kung nasan ang pakay natin. Susubukan kung i-on, baka dito lang sa malapit ang hinahanap natin." wika ni Muhar. Binuhay nga ni Muhar ang gadget. "Naku, ang layo pa natin Karding, 2 bayan pa ang dadaanan natin bago natin makita ang pakay natin. Tamang tama pala ang kuha natin ng motor. o pano? tara na." wika ni Muhar.

Binuhay na ng dalawa ang kanilang motor. "Karding, ang sama ng tunog ng makina at hindi ako komportable pag upo. Teka lang ha,papaltan ko ng pipe at shifter." Wika ni Muhar. Tinitigan lang ni Muhar ang tambutso at napaltan na ito ng Loud Pipe. "OK ba Karding? tanong ni Muhar. "Wow ang ganda naman ng tambutso mo. Yon saken ay hindi ko na babaguhin, ok na to. Tara na."

Umalis na nga ang dalawa, mahigit isang oras din ang byahe ng dalawa bago makarating sa pakay nila. "Teka lang Karding, umiilaw na itong gadget. Mabuti pa bumaba na tayo para madali nating mahanap ang pakay natin." wika ni Muhar. "Sige, mabuti pa nga." sagot ni Karding. Bumaba sa motor ang dalawa at hinanap ang lugar kung saan nakatutok yon ilaw sa gadget nila. "Oh? andito na tayo sa pakay natin ah? Bakit wala tayong nakikita?" pagtataka ni Muhar. "Baka sa ilalim ng lupa, baka huhukayin natin Muhar?" Sagot ni Karding. Nagmagic ulit si Muhar at lumabas ang isang pala at piko. "Ako ang maghuhukay at ikaw ang magpapala, ok ba sayo?" tanong ni Muhar. "Uo payag ako." tugon ni Karding. Naghukay na nga ng naghukay ang dalawa, halos limang oras na silang naghuhukay pero at malalim na din ang nahukay nila pero wala pa din ang pakay nila. "Mabuti pa Karding, magpahinga na muna tayo at kumain, nagugutom na din ako." wika ni muhar. "Muhar,wala tayong dalang pagkain at saka ngayon ko lang naalala na hindi gagana ang magic natin pag 50meters ang layo natin sa taas." pag-aalala ni Karding. "Hala, nakalimutan ko din,pano tayo nyan. kelangan na nating maghukay ulit. Baka abutin tayo ng ulan, malunod tayo dito."
Lingid sa kaalaman nila, nagbabadya na ang isang malakas na ulan.



-itutuloy pag sinipag ulit magtype

No comments:

Post a Comment