Monday, September 27, 2010

Tagay part 2

Wala pang isang oras, natapos na ni JP ang tungkulin nya sa bahay. Ayaw na nyang makarinig ng kung ano-ano sa nanay nya kaya mas minabuti nyang lumabas ng maagap para tumambay. Napag desisyonan nyang pumunta kay Mio, "eeeeepiliiiiiipztik! yoooooooooohooooooooooo!" sigaw ni JP.
"Mio, nasa labas si JP."wika ng nanay ni Mio. Hindi naririnig ni Mio ang nanay nya dahil naka headset sya gamit ang kanyang mp3 player. Naka tatlong sabi na ang nanay ni Mio bago nya napuna na hindi sya naririnig ng anak. Kaya isang malakas na sigaw ang inabot ni Mio. "HOOOY MIO! ANAK KA NG BAKLANG BUTANDENG NASA LABAS SI JP TINATAWAG KA!!" Bulyaw ng nanay ni Mio. Halos malaglag si Mio sa gulat. "Nanay naman, wala naman tayo sa bundok para magsigawan, kung nalaglag tong mp3 ko baka itakwil kita bilang ina." wika ni Mio at may kasunod na tawa. "Oo wala nga tayo sa bundok, eh ikaw naman nasan? Nasa sayawan?" sagot ng nanay ni Mio na may kasunod na mahinang hampas ng walis tambo sa binti. Si aling Josie ang nanay ni Mio, mabait na nanay. Madalas makabiruan ng mga anak at kaibigan ni Mio. "Oh pano nay? Labas muna ako. Wala naman pasok eh, tambay muna kami ni JP." wika ni Mio. "Sige, mag-iingat kayong dalawa.

"Oh epilipztik, parang sinakluban na naman ng inidoro yang pagmumukha mo. Alam ko na ang dahilan kaya wag ka ng sumagot." wika ni Mio. "Oo nga eh. Nakakasawa na sa pang araw-araw, kung may maganda lang sigurong trabaho ang tatay baka maayos ang buhay namin. Naiintindihan ko din naman ang nanay kung bakit sya ganun, dahil na din siguro sa subrang dami ng gawain nya araw araw para lang kumita ng pera." wika ni Jp.
"Doon tayo, masarap sa ilalim ng puno, mahangin." wika ni Mio.

"Tanda mo pa ang punong to? Dito tayo umaakyat nila Binggo nun mga musmos pa tayo. Wala tayong ginawa kundi maglaro, walang problema. Pero ngayon, sa pag-aaral ko daming problema. Hehe, kung paano ba ang assignments ko,report ko, projects at kung ano-ano pa. Kahit ikaw, alam ko madami ka din problema. Pero hindi katulad noon, hindi pa tayo nagkakaproblema, puro laro lang nasa isip natin. Pero habang tumatagal, nagkakarron na tayo ng isip. Kaya ikaw boy, wag mong hayaang masira ang umaga mo dahil lang nabulyawan ka ng nanay mo. Gusto mo bang magtrabaho? Tulungan kitang maghanap sa bayan?" wika ni Mio. Sinimulan ng dalawa na maghanap ng trabaho, madali naman silang nakakita, waiter sa isang restaurant. Kaso ang problema, kulang si JP sa requirements. "Siguro epelipztik, hintayin na lang nating umuwi si Binggo para makahiram tayo ng pera." wika ni Mio. "Sa palagay ko nga boy, mabuti pa umuwi na tayo, sa bahay ka na kumain. Kami lang naman ni nanay ang tao ngayon don. wika ni Mio.



-itutuloy

No comments:

Post a Comment