Wednesday, March 16, 2011

Si Karding at ang Pitong Duwende (Part 8)

Tinuloy lang ng dalawa ang panunood ng TV hanggang sa nakalimutan na nila ang kanina pa nilang iniisip. Bigla silang may nakinig na malakas na hampas sa pinto ng apartment na para bang binato ng isang bagay. Dali dali namang binuksan ng dalawa ang pinto. Nabungaran nila sa pinto si Mr. Lee na puro dugo sa ulo at maraming gas gas sa braso at katawan. "Mr Lee, anong nangyari?! Bakit ganyan ang ayos mo?" Tanong ni Muhar. "Ipasok nyo muna ako sa loob at mamaya na ako magke-kwento." Tugon ni Mr. Lee. Matapos ang isang oras na paglilinis ng katawan at paglalagay ng mga benda sa sugat ay tinawag na ni Mr. Lee sila Karding at Muhar para magsimulang kumain. Habang kumakain, nagsimulang magkwento si Mr. Lee sa nangyari sa kanya. "Nag aabang ako ng sasakyan ng biglang may tumigil na sasakyan sa harap ko, bigla akong sinuntok sa dibdib at isinakay sa kotse. "Sinabihan nila akong itigil ko ang pagsusulat sa isang pahayagan dahil meron akong nasasagasaang mataas na tao." Kwento ni Mr. Lee. "Bakit nga ba kailangan mo pang magsulat? Marami ka na namang pera at kung tutuusin eh kakarampot lang naman ang sinasahod mo don." Tanong ni Karding. "Oo nga Mr. Lee, marami ka namang ipon diba?" Sang-ayon ni Muhar. "Hindi nyo kase alam ang dahilan kung bakit ako nagsusulat, sa paraang pagsusulat ko lang magagawang paligayahin ang sarili ko. " Sa paraang pagsusulat ko lang nakakasama ang namatay kong pamilya, sa paraang pagsusulat ko lang na..." Bago pa man matapos ni Mr. Lee ang sasabihin ay pumatak na ang kanyang luha at garalgal ang boses na itinuloy ang pagkekwento.


"Bata pa lang ako noon nang mapadpad kami dito sa Pilipinas,taong 1975. Taga China talaga kami. Dito na lang ako lumaki sa Pilipinas. Pagsusulat din ang pinagkakaabalahan ni Papa noon. Ang Mama naman ang nag ma-manage ng negosyo namin. Madalas ng pagtalunan ng Mama at Papa noon ang pagsusulat. Kinakalaban nya ang pamahalaan at lantarang pagpapahayag ng katiwalian. Edad 14 ako ng mamatay ang Mama at Papa. Kalalabas lang naming simbahan noon ng biglang may sasakyan na tumigil sa harap namin at pinagbabaril kami, naisugod naman kami agad sa hospital pero ako na lang ang umabot na buhay. May itinuturong suspek sa pagpatay pero dahil sa kakulangan sa ebidensya at mga kasabwat sa batas ay hindi nabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng Mama at Papa. Masakit para saken ang pagkamatay ng Mama at Papa, dahil namatay sila sa pagmamalasakit sa hindi naman namin bansang sinilangan. Nakakalungkot lang isipin na hindi maintindihan ng mga tao ang mga ginagawa nila, pero kahit alam nilang tama ay hindi naman nila ginagawa ang mga bagay na tama, bagkos, madalas silang nagkakamali. Habang nagkakaisip at lumalaki ako, nagkakaroon na ko ng pananaw dito sa lugar na kinalakihan ko. Kung tutuusin, napakaliit lang ng pagkakaiba ng mga tao, ang pagkakaibang yon ay ang pag-uugali. Nagiging malaki lang ang pagkakaiba nila ay kung ito ba ay papasok sa masamang ugali o mabuting ugali. Nais ko sanang.." Hindi na itinuloy ni Mr. Lee ang sinasalaysay ng mapansin nyang nakatulugan na ng dalawa ang kanyang pag ke-kwento. Saglit na pumasok si Mr. Lee sa kwarto at naglabas ng dalawang unan at kumot. Maingat namang inilagay ni Mr. Lee ang unan sa dalawa at ang kumot para hindi na maabala pag tulog ang dalawa.

"Samantala, sa mundo nila Oslek. "Oslek, may tao sa labas, papapasukin ko ba?" tanong Isko. "Are you crazy? Alam mo ng nasa labas alangan namang palabasin mo?" abnormal na sagot ni Oslek. "Oo na, papapasukin ko na, sorry tao lang." sagot ni Isko. "Kelan ka pa naging tao Isko? Wag kang ambisyoso, isa ka lang duwende na pinaglihi sa tibalbak tanga!" Bulyaw ni Oslek. Hindi na sumagot si Isko dahil alam nyang wala rin mangyayari. Palibhasa menupause na si Oslek kaya madalas eh badtrip mode. Makalipas ang isang minuto ay nakapasok na ang bisita nila Oslek.
"Isa kang taga ibayong dako? Tanong ni Oslek. "Opo, sagot ng bisita. Narito po ako para ipaalam sa inyo na bumabalik na po ang sigla sa aming lugar, namumunga na po ulit ang mga puno at sumisigla ang mga alaga naming hayop." kwento ng bisitang dwende. "Oh? anong gusto mong gawin namin? Mag pa-party dahil back to normal na kayo??" Galit na sagot ni Oslek. "Hindi naman po sa ganun, gusto ko lang po sanang sabihin sa inyo na maaring utay utay lang ang panunumbalik ng sigla ng lugar natin, mas nauuna lang sa amin kase samen ang pinakadulo. Dahil sa mga sumunod na lugar mula dito ay normal na din." Sagot ng bisitang dwende. "Ibig sabihin, magiging normal na din ngayon dito samen?" tanong ni Oslek. "Opo, ganun na nga po." sagot ng bisitang dwende. "So? yon lang ang pinunta mo dito? Ang sabihin ang mabuting balita? Salamat sayo, pwede ka ng umalis." Wika ni Oslek. "Pwede po bang makahiram ng sound system? Magse-celbrate lang po kami dahil sa magandang pangyayari." tanong bisitang dwende.. Pumayag naman si Oslek pero hindi nya pinahalata ang pagkagalak sa balitang ihinatid ng bisitang dwende.


Naisip ni Oslek na pabalikin na lang sila Karding at Muhar dahil sa biglang pagbalik ng sigla ng kanilang lugar. Ang alam ng mga duwende ay natapos nila Karding ang misyon kaya bumalik ang normal na pamumuhay sa mundo nila. Pero kahit ang may akda ng kwento ay hindi nya alam kung bakit nanumbalik ang sigla ng lugar nila Oslek. "Isko, tawagan mo si Karding o Muhar, sabihin mo na bumalik na sila dahil tapos na ang misyon nila." Utos ni Oslek. Sumunod naman agad sa utos si Isko dahil naka unli call sya, madali na kase syang nakapag reg sa unli call dahil hindi na holiday. "Hello Karding, do you remember me? Im Isko, one of the seven dwarfs." wika ni Iskong hitig. "Oh Isko? Napatawag u? Magkasama kami ngaun ni Muhar, pero paalis din me matwoya (ma2ya) ee1 q xa." sagot ni Karding. "Tarantado u, tawag ito hindi txt, kaya umayos u. Bumalik na daw kayo dito kase bumalik na sa normal ang lahat. Nagpapasalamat sa inyong dalawa ang mga tao satin." Tugon ni Isko. "Talaga? Normal na? Paano nangyari yon?" Pagtataka ni Karding. "Ngek? hindi nyo alam? Basta ang mahalaga ay ok na ulit ang lahat. Ano? Babalik na ba kayo?" Tanong ni Isko. Hindi naman nakasagot agad si Karding dahil bigla nyang naisip ni Mr. Lee. Naisip nya na malaki-laki rin ang utang na loob nilang dalawa ni Muhar kaya hindi nila basta basta pwedeng iwang si Mr. Lee lalo pa at merong nagbabanta sa buhay ng lalaki. Sinadyang ibaba ni Karding ang ang telepono, ibinaba nya hanggang tuhod. Saglit nag-isip ng sasabihin bago ulit kinausap si Isko. "Hindi pa kami makakaalis dito, may inaayos pa kaming kunting problema, makikisabi na lang kay Oslek." Sagot ni Karding. Sumang-ayon naman si Isko at sinabi nya kay Oslek ang sinabi sa kanya ni Karding. Nagtataka naman si Oslek sa sinabi ni Karding at Muhar.


Araw ng Linggo, walang trabaho si Mr. Lee. Mas pinili nyang tumambay na lang sa bahay at makipag kwentuhan sa dalawa. Masayang nagbibiruan ang tatlo, nagtatawanan. "Magaling ka din palang magpatawa Mr. Lee. Sumusulat ka din ba ng mga komedyang kwento?" Tanong ni Muhar. "Hindi." "Maiksing sagot ni Mr. Lee. "Paano mo ikukumpara ang pagsusulat sa ibang trabaho? Madali po ba o mahirap?" Tanong ni Karding. "Madali lang naman talagang magsulat, kukuha ka lang ng panulat at papel, tititigan mo ang papel hanggang tumulo na yong dugo mo na nanggaling sayong utak papunta sa papel." Sagot ni Mr. Lee. "Ang lalim po non ah." Wika ni Karding. "Sa totoo lang, pagsusulat ang pinakamahirap na trabaho para sakin. Hindi mo kase alam kung lahat ng mga tao ay sasang-ayon sa sinulat mo. Napakaraming kritiko, batikos, minsan hindi maiwasang maikumpara ang gawa mo sa gawa ng iba. Nandyan yong mga taong masasagasaan mo, kailangan meron kang lakas ng loob para harapin ang mga balik nila." " Pero isa lang ang masasabi ko sa pagsusulat o sa pamumuhay ng tao. "Hindi mo kailangang sumulat ng isang bagay na napapanahong kwento dahil pamilyar o uso, kundi sumulat ka ng isang kwento na nasasaloob mo. "Tulad ng pamumumuhay ng isang tao, hindi mo kailangang makibagay sa mga tao para lang maging sikat o mapansin ka. Bagkos, ikaw mismo ang kailangang makibagay sa sarili mong mundo. Dahil napakaraming taliwas ang paniniwala dito sa mundo, kakainin ka lang ng isa sa kanila kung magiging mahina ka."

Sinabi nila Karding at Muhar kay Oslek ang totoong kalagayan nila sa mundo ng mga tao. Pinagbigyan naman ang dalawa na mamalagi muna sa mundo ng mga tao. Pero wala silang kapangyarihan, dahil yon daw ang batas nila. Kapag walang misyon, walang powers. Pumayag naman ang dalawa dahil nasanay na din sila na hindi gumamit ng powers. Papasok sa trabaho si Mr. Lee ng biglang may lumapit sa kanya at nagbigay ng sulat. Pagkabigay ay umalis na din agad ang lalaki na hindi nya nakilala. "Bibigyan ka namin ng tatlong araw, itigil mo na ang paninira samin, alam mo na ang mangyayari kapag hindi ka sumunod."(nilalaman ng sulat) Dahan dahang kinuyumos ni Mr. Lee ang papel pagkatapos basahin ang sulat. Hindi na nya nagawang tumuloy pa sa trabaho. Madalas na syang makatanggap ng mga banta, pero ang huling sulat na nabasa nya ay kakaiba sa pakiramdam nya, hindi sya mapalagay. Alam nyang si Gov. Baleling ang may pakana ng lahat. Si Baleling din ang itinuturong nagpapapatay noon sa kanyang mga magulang. Alam nyang tututuhanin ni Baleling ang banta dahil sa mismong magulang nya ay nagawa yon. Hindi nya sinabi sa dalawa ang nangyari, ayaw nyang merong nag-aalala sa kanya.

1 comment:

  1. as usual bitin again..
    more more more! hehe

    ReplyDelete