Monday, March 21, 2011

Si Karding at ang Pitong Duwende (Part 9)

Araw ng Lunes, ika labing dalawa ng Hunyo. Fiesta sa Brgy. Lusacan na lugar na tinutuluyan nila Karding. Tulad ng pangkaraniwang fiestahan, makikita ang mga banderetas, banda, mga inuman kada kanto at bahay-bahay. May mga gaganapin palaro sa bahay nayon. Bago magsimula ang mga palaro, magsasalita ang panauhing pandangal. Dahil wala namang ginagawa sila Mr. Lee, mas minabuti nilang dumalo sa bahay nayon para makinig ng pananalita at manuod ng mga laro. Hindi inaasahan ni Mr. Lee na si Gov Baleling ang panauhing pandangal sa lugar nila. Iniwan ni Mr. Lee sila Karding at Muhar sa bahay nayon dahil ayaw nyang pakinggan ang mga sinasabi ni Gov Baleling. "Magbibigay po ako ng 50k para mapaayos ang bahay nayon at pailaw sa bawat kanto nang inyong barangay." Wika ni Gov Baleling sa harap ng maraming tao. Inulit nya ng sampung beses ang pagbibigay nya ng pera sa barangay ng mapansin nyang may mga video cam na itinututok sa kanya ng mga media. Malapit na naman kase ang halalan kaya nagpapabango ng pangalan ang gobernador. Matapos ang pananalita ay mabilisang pumasok ng van si Gov. "Bakit ang laking pera ng ibinigay mo sa barangay gov?" Tanong ng driver ni Gov. "Madali lang naman mababawi ang perang inilabas ko kanina kapag nanalo ulit ako sa darating na halalan. Kailangan muna nating magpabango sa ngayon hehe." Wika ni Gov. Pero isa lang ang ikinababahala ko. Yong isang manunulat na tumitira sa akin. May kutob akong marami syang alam tungkol sa mga anumalyang ginagawa ko. Kailangang mawala sya sa landas ko bago dumating ang halalan. Magagawan mo ba ng paraan? Alam mo na ang ibig kong sabihin." Paliwanag ni Gov sa kanyang tauhan. Dito din sya nakatira sa Brgy. Lusacan. Heto ang picture nya." Pagkatapos iabot ang picture sa kanyang tauhan ay umalis na ang Gobernador.

Masaya namang nanunuod ng tv ang tatlo sa kanilang apartment. Binigyan sila ng kapitbahay nila ng mga pagkain dahil madaming handa ang kanilang kapitbahay. "Ganto pala sa lugar nyo Mr. Lee, ang babait ng mga tao. Lalo na yong Gobernador kanina, nagbigay pa ng 50k para sa barangay." Wika ni Karding. Isang ngiti lang ang itinugon ni Mr. Lee.

Makalipas ang ilang araw, nag desisyon si Mr. Lee na ipagpatuloy ang paninira kay Gov. Baleling at ilabas ang ilang ebidensya na magpapatunay sa katiwaliang ginagawa ng Gobernador at sa paraang yon din nya naisip na mabibigyan ng katarungan ang pagkamatay ng kanyang mga magulang. Tutulog na sana ang tatlo ng biglang may kumatok sa pinto nila, dali dali namang binuksan ni Karding ang pinto. Laking gulat nilang lahat pag bukas ng pinto. Isang tauhan ni Gov Baleling at may hawak na baril. Itinutok nito ang baril kay Mr. Lee upang barilin. Nagpaputok ang tauhan ni Gov pero naharangan ni Muhar si Mr. Lee kaya si Muhar ang tinamaan ng bala. Dali dali namang umalis ang tauhan ni Gov ng mapansin nyang maraming nakarinig na kapitbahay sa pagputok ng baril. Malubha ang kalagayan ni Muhar sa ginawa nyang pagliligtas kay Mr. Lee. "Dadalhin ka namin sa hospital." Wika ni Mr. Lee. "Hindi na kailangan, alam kong hindi na din ako aabot." Garalgal na boses ni Muhar. "Karding, ikaw na ang bahalang magpaliwanag kay Oslek sa pagkawala ko." Bilin ni Muhar kay Karding. Marami pa sanang sasabihin si Muhar pero hindi na nya nagawa dahil sa subrang dami ng nawalang dugo sa katawan nya at tuluyan na syang namatay.



-Itutuloy

1 comment: