Tuluyan na ngang namatay si Muhar. Binigyan naman ni Mr. Lee ng magandang burol si Muhar. Dalawang gabi lang ang lamayan o burol at inilibing na si Muhar. "Kawawang bata, masyado pang bata para mamatay. "Oo nga, balita ko ay nadamay lang daw yan sa gustong pumatay kay Mr. Lee." Pag-uusap nang dalawang babae. Narinig ni Mr. Lee at Karding ang pag-uusap nang dalawang babaeng nakipaglibing pero hindi na lang nila ito pinansin. Makalipas ang isang oras ay nag-alisan na ang mga tao. Sila na lang dalawa ang naiwan sa harap nang puntod ni Karding. Nakakabinging katahimikan na binasag ni Mr. Lee. "Karding, galit ka ba sa akin? Iniisip mo ba na ako na lang sana ang namatay? Sana nga ako na lang." Wika ni Mr. Lee. "Hindi ako nag-iisip ng ganon Mr.Lee, wala naman sating dalawa ang may gusto sa mga nangyari. Kahit anong gawin ay hindi na naman maibabalik ang buhay ng ating kaibigan." Paliwanag ni Karding. "Umuwi na tayo, baka abutin pa tayo ng malakas na ulan." Dugtong ni Karding. Sumang-ayon naman si Mr. Lee.
Mag-isa na lang na naiiwan si Karding sa bahay kapag umaalis si Mr. Lee. Wala na namang balitang nagbabanta kay Mr. Lee. Dahil siguro nagpapalamig pa si Gov. Baleling. Hindi naman maiwasang malungkot ni Karding kapag naaalala nya si Muhar. "Huwag ka ng malungkot, lahat naman ng bagay may hangganan. Lahat may dahilan kung bakit nagkakaganun. Maaring nawala sya dahil may ibang papalit o may mas higit pang dadating." Naalala ni Karding ang mga sinabi ni Muhar sa kanya dati noong bata pa sila ng nawala ang aso nya.
Hindi na makontak ni Karding si Oslek, nagdadalawang isip naman sya kung babalik sa sya sa mundo nila. Dahil wala syang mukhang maihaharap dahil sa nangyari kay Muhar. "Bahala na siguro, dito na din ako mamamatay sa mundo ng mga tao. Kakalimutan ko na lang ang mundo namin." Nasabi ni Karding sa sarili at kasunod ng pagtulo na naman ng kanyang sipon at luha. Nakatulog na si Karding ng biglang dumating si Mr. Lee. Ginising ni Mr. Lee si Karding. "Umalis ka na dito sa bahay Karding, ayaw kong madamay ka din tulad ni Muhar." Wika ni Mr. Lee. "Hindi ako aalis, kinalimutan ko na ang mundo namin Mr. Lee. Handa kitang damayan sa lahat ng mangyayari. Kung ano ang ipinaglalaban mo ay sya na rin ipaglalaban ko. Maaring sa gantong paraan ay mabigyan din ng hustesya ang pagkamatay ni Muhar tulad ng hinihingi mong hustesyta para sa mga magulang mo.
Wala ng nagawa si Mr. Lee kundi sumang-ayon. "Pero matatapos na ito bukas, ipapasa ko na ang mga naipon kong ebedinsya laban kay Gov. Pagkatapos kong maipasa ay lalayo muna tayo habang wala pang result sa gagawin imbestigasyon kay Gov." Wika ni Mr. Lee.
_________________________________________________________________
No comments:
Post a Comment