Tuesday, August 30, 2011

Basic Poetry Writing Workshop (TAKITS!)





PALIHAN LIBRE

(dahil Libre ito at Walang Bayad, pero hindi naman bawal magpameryenda haha)

Muling maghahandog ng libreng palihan sa pagsulat ng tula ang Kilometer 64 Poetry Collective. Sa pagkakataong ito ay sa mga kabataang taga Quezon. Gaganapin ito sa San Rafael Chapel, Purok 3A, Baranggay Dalahican, Lucena City. Hanapin lamang si Father Martin Mroz, dahil siya ang hiniraman namin ng lugar lunsaran (at mga dayo laang din kami).

Imbitado ang lahat ng kabataang may hilig sa pagsusulat o pagbabasa ng tula. Makipag-ugnayan kay Lenkurt Lopez (pangalan sa fb) para sa mga taal na taga Quezon na gustong lumahok.

Sa mga dati ng makata ng Kilometer64, makipagugnayan kay Stum Casia, Mark Joseph Rafal o Pia Montalban kung nais maki-jamming sa outreach na ito.

Basic Poetry Writing Workshop at Maikling Introduksyon sa KM64 ang inyong aasahan. Magdala po ng sariling bolpen at kuwaderno ang mga lalahok. Magbaon na din ng kahit isang nagawang tula, mabuti kung mai-xerox at mabigyan kami ng kopya. Maghanda din ng mga bibigkasing tula, para sa maikling programa pagkatapos ng talakayan.

---------

Sa mga magmumula ng Maynila, P250 ang pamasahe one way to Lucena. May libreng tulugan sa Parokya doon, siguro naman din pakakanin tayo haha. Sinusubukan ko manglimos ng pamasahe natin, lalo at lahat naman tayo e maralitang taga-lunsod :) Magkaganun, go go go. Magtiwala sa masa haha. :)

Kitakits!!!



-pia montalban
 K.m Poetry

Wednesday, August 10, 2011

Paano Mo Binibigyang Buhay ang Bawat Salita?

Paano mo hinuhulma ang bawat salita?
Ito ba ay itinutugma sa pansariling kasikatan.
Bilang isang negatibong pananaw para mailapat sa pansariling kapakanan.
O ito ba ay isang tulay na binuo ng isang positibong liriko para maitawid ang bulag.

Paano mo binibigkas ang bawat salita?
Ito ba ay madilim?
Isang paraan para mahimok ang mga tumatago.
Ngunit paano ang mga sanay kahit walang tanglaw?
O ang blanko bang kulay ang magsisilbing liwanag para makita ang kasalukuyan.

Paano mo itinatago ang bawat salita?
Ito ba ay nakabaon sa lupa
Paano ang mga hinaing na naghihintay ng kasagutan
O natatakot ka lang sa kahihinatnan kapag naputol na ang sinulid na nakatahi sayong bibig.

Paano mo isinasapuso ang mga salita?
Ito ay ba matagal mo ng iniingatan at walang bahid ng kahalayan.
Ang bawat pintig ng kataga ay katumbas ng pagmamahal sa sariling ina.
O ang ginawa mong salitang nakakapukaw ay naghihintay ng kapalit.

Paano mo ginugunita ang bawat salita?
Ito ba ay paglusong sa hukay upang masabi ng karamihan na naaalala mo pa ang nakaraan?
Nagkaroon ng kwarto sa sulok ng utak para imbakan ng mga mahahalagang numero.
Ang pananalamin para makita mo ang sugat sayong pisngi.

At magsilbing tuldok  sa alaalang lumipas.

Thursday, July 14, 2011

True to life story [Ang Hinagpis sa Labahin]





Bata pa lang ako, marunong na akong maglaba. Alam ko na ang mga paraan ng tamang pagkukusot at tamang pagbabanlaw. Paborito kong gamitin ay ang tops na panlaba. Nakatapos ako ng highschool na puro paglalaba ang nasa isip ko. Minsan nababadtrip ako kapag naiisip kong walang subject sa school na paglalaba. Ewan ko ba kung bakit adik na adik ako sa paglalaba. Gusto kong dumihan ang damit ng nanay, tatay, lola, lolo, kapatid ko para malabhan ko ulit mga damit nila. Pero dahil nagagalit sila kaya tinitigilan ko na. Maghintay na lang daw ako ng mga labahin. Kaya sinabihan ko na lang ang mga kapitbahay ko na lalabhan ko ang mga damit nila. Pumayag naman sila. Dumating ang pasukan sa college. Nadismaya ako dahil walang kurso tungkol sa paglalaba. Hindi na lang ako nag-aral. Naglaba na lang ako ng naglaba. Naglabasan na ang mga bagong panlaba tulad ng ariel at iba pang putanginang panlaba na takaw advertise kaya lang naman nabibili. Pero hindi ko pa din pinagpalit ang tops. Dahil sa kaadikan ko paglalaba, ibinili ako ng tatay ko ng washing machine. Don ko nalaman na hindi nya ako mahal. Putangina naman kase, alam naman na hilig ko ay pagkukusot tapos ibibili ako ng washing machine? Kaya pinagtataga ko ang waching machine sa harap nya para malaman nya kung paano nya ako sinaktan. Hanggang ngayon ay paglalaba pa rin ang trip ko. Sa ngayon ay meron na akong laundry shop. Kapag pala talagang hinasa mo ang talent mo ay magtatagumpay ka kahit anong dumi o mantsa man ang dumagok sa pantalon o damit mo. Sana ay magsilbing aral ang kwento kong ito lalo na sa mga kabataan.

Nagmamahal,
NiƱo



Para sa ibang true to life story, ipadala lang sa true2lifestory@yahoo.com

Friday, July 8, 2011

Nasaan ka na nga ba??















It̀s been a long time since Jonas disappeared,were thirsty for his freedom! End the sufferings!

Support freejonasburgosmovement.

Wednesday, April 13, 2011

2 Abducted Activists Remembered in Iloilo




“It has been four years of agonizing, searching and waiting for any news about them. Will they ever find justice?”







galing dito..








Saturday, April 2, 2011

High na Highschool Puppet

Nawala na lang ang hilig ko sa mga bagay na kinokoleksyon ko noon bukod sa ipis na kulay brown na nagbabatik batik at gagamba ay simula nang tumuntong ako nang highschool. Trivia, sabi kase ng kaibigan ko, dalawang klase ang ipis. Isang malinis at isang madumi. Hindi ko na lang tinanong kung bakit naging malinis yong isang ipis dahil sumasakit lang ang ulo ko. Pero papatunayan daw nya yon kase isa syang mekaniko ng motor. Kaya lalong sumasakit ang ulo ko. Trivia naman para sa gagamba. Sabi naman nang kaibigan ko na operator ng tarpaulin printer, ang ipot daw nang gagamba ay mabisang pampabwenas para makahuli ka ng maraming gagamba. Ang paraan, sasahurin mo ang ipot at ipapahid mo sa ulo mo. Dito ko napatunayang pwede ka din palang makaipon ng head and shoulder shampoo pag marami ka nang gagamba. (Matuwa kaya saken ang head and shoulder para sa free ads,o magalit ang mga gagambang manunubok?)

Balik tayo sa highschool. 1st 5 days ang pinaka trip kong araw noon. Bukod kase sa wala pang masyadong klase eh, dito nagaganap ang araw nang eleksyon para sa mga Officers. Una, ang Presidente. Ok lang naman maging Presidente ng klase nyo, bukod kase sa sikat ka na eh papasa ka pa din at makaka-graduate kahit boong 4th grading kang hindi pumasok,( base sa aking classmate noong highschool) basta papapinturahan mo lang ang boong class room. Pangalawa, Bise Presidente. Wala lang, karaniwang nagiging Bise Presidente nang klase ay yong natalo sa Presidente nang klase sa unang nomination. Talagang nagiging Busy Presidente ka dahil wala lagi ang Presidente. Pangatlo, ang Sekretarya. Ito na yata ang pinaka-mabigat kung tutuusin. Taga lista ka ng mga maiingay, pauso kase ng teacher yon. Tatahimik na ang klase,may extra income pa sila. Kadalasang sinasabi na ibibili daw ng projects o mag-a outing ang perang maiipon pero minsan eh hindi naman natutupad. Kawawa talaga ang Sekretarya dahil pag tinatamad mag turo ang mga teacher dahil hindi sila maka move-on sa napanuod nilang teleserye noong gabi kaya magpapasulat na lang sila sa black b0ard sa Sekretarya. Trivia, pag tinatamad ang magturo ang teacher ay papasulatin kayo sa one whole paper ng "hindi na ako mag-iingay sa klase." Pakulo lang nila yon,kunwari ay galit sila pero ang totoo ay tinatamad lang talaga silang magturo. Pang apat, Ingat Yaman. Dito iniipon ang mga multang nakurakot na nailista ng Sekretarya na maiingay o late sa klase. Ang Ingat Yaman din ang karaniwang nagigipit dahil nagagastos nya ang pera sa kalilibre nya sa mga kaklase nya tuwing uwian. Ang ang mga sumunod na Officers ay wala ng kwenta pwera na lang sa Peace Officer at Muse. Oo, Peace Officer na kadalasang nagtatago pag may nag aaway na kase uso ang mga gang noon. Ang Muse naman kase ang naghahatak ng pera tuwing may mga racing funds at magkakaroon ng Miss P.E, Miss Math, Miss C.A.T, Miss Jejemon at kung anu ano pang kalokohan para daw makaipon ng pundo na kadalasang nabibili naman ay electricfan lang at basurahan. Highschool na nga talaga ang di ko malilimutang panahon. Dito din kase ako nagkameron ng wirdong Adviser sa klase. Pinasara kase nya ang comfort room ng room namin dahil hindi daw kami naglilinis. Tapos pagkaraan nang anim na buwan ay pinabuksan nya at grand opening pa. May cutting ribbon at marami ding handa. Syempre tuwang tuwa naman ang lahat dahil walang klase nang hapon at nakaligtas kami sa bagsik ng teacher namin sa Math. Wala na akong ibang maalala nong highschool bukod sa PTA (Patay Tayo Ambagan) na lubos na ikinatutuwa ng mga magulang.












Wednesday, March 30, 2011

Si Karding at ang Pitong Duwende (Part 10)

Tuluyan na ngang namatay si Muhar. Binigyan naman ni Mr. Lee ng magandang burol si Muhar. Dalawang gabi lang ang lamayan o burol at inilibing na si Muhar. "Kawawang bata, masyado pang bata para mamatay. "Oo nga, balita ko ay nadamay lang daw yan sa gustong pumatay kay Mr. Lee." Pag-uusap nang dalawang babae. Narinig ni Mr. Lee at Karding ang pag-uusap nang dalawang babaeng nakipaglibing pero hindi na lang nila ito pinansin. Makalipas ang isang oras ay nag-alisan na ang mga tao. Sila na lang dalawa ang naiwan sa harap nang puntod ni Karding. Nakakabinging katahimikan na binasag ni Mr. Lee. "Karding, galit ka ba sa akin? Iniisip mo ba na ako na lang sana ang namatay? Sana nga ako na lang." Wika ni Mr. Lee. "Hindi ako nag-iisip ng ganon Mr.Lee, wala naman sating dalawa ang may gusto sa mga nangyari. Kahit anong gawin ay hindi na naman maibabalik ang buhay ng ating kaibigan." Paliwanag ni Karding. "Umuwi na tayo, baka abutin pa tayo ng malakas na ulan." Dugtong ni Karding. Sumang-ayon naman si Mr. Lee.

Mag-isa na lang na naiiwan si Karding sa bahay kapag umaalis si Mr. Lee. Wala na namang balitang nagbabanta kay Mr. Lee. Dahil siguro nagpapalamig pa si Gov. Baleling. Hindi naman maiwasang malungkot ni Karding kapag naaalala nya si Muhar. "Huwag ka ng malungkot, lahat naman ng bagay may hangganan. Lahat may dahilan kung bakit nagkakaganun. Maaring nawala sya dahil may ibang papalit o may mas higit pang dadating." Naalala ni Karding ang mga sinabi ni Muhar sa kanya dati noong bata pa sila ng nawala ang aso nya.

Hindi na makontak ni Karding si Oslek, nagdadalawang isip naman sya kung babalik sa sya sa mundo nila. Dahil wala syang mukhang maihaharap dahil sa nangyari kay Muhar. "Bahala na siguro, dito na din ako mamamatay sa mundo ng mga tao. Kakalimutan ko na lang ang mundo namin." Nasabi ni Karding sa sarili at kasunod ng pagtulo na naman ng kanyang sipon at luha. Nakatulog na si Karding ng biglang dumating si Mr. Lee. Ginising ni Mr. Lee si Karding. "Umalis ka na dito sa bahay Karding, ayaw kong madamay ka din tulad ni Muhar." Wika ni Mr. Lee. "Hindi ako aalis, kinalimutan ko na ang mundo namin Mr. Lee. Handa kitang damayan sa lahat ng mangyayari. Kung ano ang ipinaglalaban mo ay sya na rin ipaglalaban ko. Maaring sa gantong paraan ay mabigyan din ng hustesya ang pagkamatay ni Muhar tulad ng hinihingi mong hustesyta para sa mga magulang mo.
Wala ng nagawa si Mr. Lee kundi sumang-ayon. "Pero matatapos na ito bukas, ipapasa ko na ang mga naipon kong ebedinsya laban kay Gov. Pagkatapos kong maipasa ay lalayo muna tayo habang wala pang result sa gagawin imbestigasyon kay Gov." Wika ni Mr. Lee.




_________________________________________________________________

Monday, March 21, 2011

Si Karding at ang Pitong Duwende (Part 9)

Araw ng Lunes, ika labing dalawa ng Hunyo. Fiesta sa Brgy. Lusacan na lugar na tinutuluyan nila Karding. Tulad ng pangkaraniwang fiestahan, makikita ang mga banderetas, banda, mga inuman kada kanto at bahay-bahay. May mga gaganapin palaro sa bahay nayon. Bago magsimula ang mga palaro, magsasalita ang panauhing pandangal. Dahil wala namang ginagawa sila Mr. Lee, mas minabuti nilang dumalo sa bahay nayon para makinig ng pananalita at manuod ng mga laro. Hindi inaasahan ni Mr. Lee na si Gov Baleling ang panauhing pandangal sa lugar nila. Iniwan ni Mr. Lee sila Karding at Muhar sa bahay nayon dahil ayaw nyang pakinggan ang mga sinasabi ni Gov Baleling. "Magbibigay po ako ng 50k para mapaayos ang bahay nayon at pailaw sa bawat kanto nang inyong barangay." Wika ni Gov Baleling sa harap ng maraming tao. Inulit nya ng sampung beses ang pagbibigay nya ng pera sa barangay ng mapansin nyang may mga video cam na itinututok sa kanya ng mga media. Malapit na naman kase ang halalan kaya nagpapabango ng pangalan ang gobernador. Matapos ang pananalita ay mabilisang pumasok ng van si Gov. "Bakit ang laking pera ng ibinigay mo sa barangay gov?" Tanong ng driver ni Gov. "Madali lang naman mababawi ang perang inilabas ko kanina kapag nanalo ulit ako sa darating na halalan. Kailangan muna nating magpabango sa ngayon hehe." Wika ni Gov. Pero isa lang ang ikinababahala ko. Yong isang manunulat na tumitira sa akin. May kutob akong marami syang alam tungkol sa mga anumalyang ginagawa ko. Kailangang mawala sya sa landas ko bago dumating ang halalan. Magagawan mo ba ng paraan? Alam mo na ang ibig kong sabihin." Paliwanag ni Gov sa kanyang tauhan. Dito din sya nakatira sa Brgy. Lusacan. Heto ang picture nya." Pagkatapos iabot ang picture sa kanyang tauhan ay umalis na ang Gobernador.

Masaya namang nanunuod ng tv ang tatlo sa kanilang apartment. Binigyan sila ng kapitbahay nila ng mga pagkain dahil madaming handa ang kanilang kapitbahay. "Ganto pala sa lugar nyo Mr. Lee, ang babait ng mga tao. Lalo na yong Gobernador kanina, nagbigay pa ng 50k para sa barangay." Wika ni Karding. Isang ngiti lang ang itinugon ni Mr. Lee.

Makalipas ang ilang araw, nag desisyon si Mr. Lee na ipagpatuloy ang paninira kay Gov. Baleling at ilabas ang ilang ebidensya na magpapatunay sa katiwaliang ginagawa ng Gobernador at sa paraang yon din nya naisip na mabibigyan ng katarungan ang pagkamatay ng kanyang mga magulang. Tutulog na sana ang tatlo ng biglang may kumatok sa pinto nila, dali dali namang binuksan ni Karding ang pinto. Laking gulat nilang lahat pag bukas ng pinto. Isang tauhan ni Gov Baleling at may hawak na baril. Itinutok nito ang baril kay Mr. Lee upang barilin. Nagpaputok ang tauhan ni Gov pero naharangan ni Muhar si Mr. Lee kaya si Muhar ang tinamaan ng bala. Dali dali namang umalis ang tauhan ni Gov ng mapansin nyang maraming nakarinig na kapitbahay sa pagputok ng baril. Malubha ang kalagayan ni Muhar sa ginawa nyang pagliligtas kay Mr. Lee. "Dadalhin ka namin sa hospital." Wika ni Mr. Lee. "Hindi na kailangan, alam kong hindi na din ako aabot." Garalgal na boses ni Muhar. "Karding, ikaw na ang bahalang magpaliwanag kay Oslek sa pagkawala ko." Bilin ni Muhar kay Karding. Marami pa sanang sasabihin si Muhar pero hindi na nya nagawa dahil sa subrang dami ng nawalang dugo sa katawan nya at tuluyan na syang namatay.



-Itutuloy

Wednesday, March 16, 2011

Si Karding at ang Pitong Duwende (Part 8)

Tinuloy lang ng dalawa ang panunood ng TV hanggang sa nakalimutan na nila ang kanina pa nilang iniisip. Bigla silang may nakinig na malakas na hampas sa pinto ng apartment na para bang binato ng isang bagay. Dali dali namang binuksan ng dalawa ang pinto. Nabungaran nila sa pinto si Mr. Lee na puro dugo sa ulo at maraming gas gas sa braso at katawan. "Mr Lee, anong nangyari?! Bakit ganyan ang ayos mo?" Tanong ni Muhar. "Ipasok nyo muna ako sa loob at mamaya na ako magke-kwento." Tugon ni Mr. Lee. Matapos ang isang oras na paglilinis ng katawan at paglalagay ng mga benda sa sugat ay tinawag na ni Mr. Lee sila Karding at Muhar para magsimulang kumain. Habang kumakain, nagsimulang magkwento si Mr. Lee sa nangyari sa kanya. "Nag aabang ako ng sasakyan ng biglang may tumigil na sasakyan sa harap ko, bigla akong sinuntok sa dibdib at isinakay sa kotse. "Sinabihan nila akong itigil ko ang pagsusulat sa isang pahayagan dahil meron akong nasasagasaang mataas na tao." Kwento ni Mr. Lee. "Bakit nga ba kailangan mo pang magsulat? Marami ka na namang pera at kung tutuusin eh kakarampot lang naman ang sinasahod mo don." Tanong ni Karding. "Oo nga Mr. Lee, marami ka namang ipon diba?" Sang-ayon ni Muhar. "Hindi nyo kase alam ang dahilan kung bakit ako nagsusulat, sa paraang pagsusulat ko lang magagawang paligayahin ang sarili ko. " Sa paraang pagsusulat ko lang nakakasama ang namatay kong pamilya, sa paraang pagsusulat ko lang na..." Bago pa man matapos ni Mr. Lee ang sasabihin ay pumatak na ang kanyang luha at garalgal ang boses na itinuloy ang pagkekwento.


"Bata pa lang ako noon nang mapadpad kami dito sa Pilipinas,taong 1975. Taga China talaga kami. Dito na lang ako lumaki sa Pilipinas. Pagsusulat din ang pinagkakaabalahan ni Papa noon. Ang Mama naman ang nag ma-manage ng negosyo namin. Madalas ng pagtalunan ng Mama at Papa noon ang pagsusulat. Kinakalaban nya ang pamahalaan at lantarang pagpapahayag ng katiwalian. Edad 14 ako ng mamatay ang Mama at Papa. Kalalabas lang naming simbahan noon ng biglang may sasakyan na tumigil sa harap namin at pinagbabaril kami, naisugod naman kami agad sa hospital pero ako na lang ang umabot na buhay. May itinuturong suspek sa pagpatay pero dahil sa kakulangan sa ebidensya at mga kasabwat sa batas ay hindi nabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng Mama at Papa. Masakit para saken ang pagkamatay ng Mama at Papa, dahil namatay sila sa pagmamalasakit sa hindi naman namin bansang sinilangan. Nakakalungkot lang isipin na hindi maintindihan ng mga tao ang mga ginagawa nila, pero kahit alam nilang tama ay hindi naman nila ginagawa ang mga bagay na tama, bagkos, madalas silang nagkakamali. Habang nagkakaisip at lumalaki ako, nagkakaroon na ko ng pananaw dito sa lugar na kinalakihan ko. Kung tutuusin, napakaliit lang ng pagkakaiba ng mga tao, ang pagkakaibang yon ay ang pag-uugali. Nagiging malaki lang ang pagkakaiba nila ay kung ito ba ay papasok sa masamang ugali o mabuting ugali. Nais ko sanang.." Hindi na itinuloy ni Mr. Lee ang sinasalaysay ng mapansin nyang nakatulugan na ng dalawa ang kanyang pag ke-kwento. Saglit na pumasok si Mr. Lee sa kwarto at naglabas ng dalawang unan at kumot. Maingat namang inilagay ni Mr. Lee ang unan sa dalawa at ang kumot para hindi na maabala pag tulog ang dalawa.

"Samantala, sa mundo nila Oslek. "Oslek, may tao sa labas, papapasukin ko ba?" tanong Isko. "Are you crazy? Alam mo ng nasa labas alangan namang palabasin mo?" abnormal na sagot ni Oslek. "Oo na, papapasukin ko na, sorry tao lang." sagot ni Isko. "Kelan ka pa naging tao Isko? Wag kang ambisyoso, isa ka lang duwende na pinaglihi sa tibalbak tanga!" Bulyaw ni Oslek. Hindi na sumagot si Isko dahil alam nyang wala rin mangyayari. Palibhasa menupause na si Oslek kaya madalas eh badtrip mode. Makalipas ang isang minuto ay nakapasok na ang bisita nila Oslek.
"Isa kang taga ibayong dako? Tanong ni Oslek. "Opo, sagot ng bisita. Narito po ako para ipaalam sa inyo na bumabalik na po ang sigla sa aming lugar, namumunga na po ulit ang mga puno at sumisigla ang mga alaga naming hayop." kwento ng bisitang dwende. "Oh? anong gusto mong gawin namin? Mag pa-party dahil back to normal na kayo??" Galit na sagot ni Oslek. "Hindi naman po sa ganun, gusto ko lang po sanang sabihin sa inyo na maaring utay utay lang ang panunumbalik ng sigla ng lugar natin, mas nauuna lang sa amin kase samen ang pinakadulo. Dahil sa mga sumunod na lugar mula dito ay normal na din." Sagot ng bisitang dwende. "Ibig sabihin, magiging normal na din ngayon dito samen?" tanong ni Oslek. "Opo, ganun na nga po." sagot ng bisitang dwende. "So? yon lang ang pinunta mo dito? Ang sabihin ang mabuting balita? Salamat sayo, pwede ka ng umalis." Wika ni Oslek. "Pwede po bang makahiram ng sound system? Magse-celbrate lang po kami dahil sa magandang pangyayari." tanong bisitang dwende.. Pumayag naman si Oslek pero hindi nya pinahalata ang pagkagalak sa balitang ihinatid ng bisitang dwende.


Naisip ni Oslek na pabalikin na lang sila Karding at Muhar dahil sa biglang pagbalik ng sigla ng kanilang lugar. Ang alam ng mga duwende ay natapos nila Karding ang misyon kaya bumalik ang normal na pamumuhay sa mundo nila. Pero kahit ang may akda ng kwento ay hindi nya alam kung bakit nanumbalik ang sigla ng lugar nila Oslek. "Isko, tawagan mo si Karding o Muhar, sabihin mo na bumalik na sila dahil tapos na ang misyon nila." Utos ni Oslek. Sumunod naman agad sa utos si Isko dahil naka unli call sya, madali na kase syang nakapag reg sa unli call dahil hindi na holiday. "Hello Karding, do you remember me? Im Isko, one of the seven dwarfs." wika ni Iskong hitig. "Oh Isko? Napatawag u? Magkasama kami ngaun ni Muhar, pero paalis din me matwoya (ma2ya) ee1 q xa." sagot ni Karding. "Tarantado u, tawag ito hindi txt, kaya umayos u. Bumalik na daw kayo dito kase bumalik na sa normal ang lahat. Nagpapasalamat sa inyong dalawa ang mga tao satin." Tugon ni Isko. "Talaga? Normal na? Paano nangyari yon?" Pagtataka ni Karding. "Ngek? hindi nyo alam? Basta ang mahalaga ay ok na ulit ang lahat. Ano? Babalik na ba kayo?" Tanong ni Isko. Hindi naman nakasagot agad si Karding dahil bigla nyang naisip ni Mr. Lee. Naisip nya na malaki-laki rin ang utang na loob nilang dalawa ni Muhar kaya hindi nila basta basta pwedeng iwang si Mr. Lee lalo pa at merong nagbabanta sa buhay ng lalaki. Sinadyang ibaba ni Karding ang ang telepono, ibinaba nya hanggang tuhod. Saglit nag-isip ng sasabihin bago ulit kinausap si Isko. "Hindi pa kami makakaalis dito, may inaayos pa kaming kunting problema, makikisabi na lang kay Oslek." Sagot ni Karding. Sumang-ayon naman si Isko at sinabi nya kay Oslek ang sinabi sa kanya ni Karding. Nagtataka naman si Oslek sa sinabi ni Karding at Muhar.


Araw ng Linggo, walang trabaho si Mr. Lee. Mas pinili nyang tumambay na lang sa bahay at makipag kwentuhan sa dalawa. Masayang nagbibiruan ang tatlo, nagtatawanan. "Magaling ka din palang magpatawa Mr. Lee. Sumusulat ka din ba ng mga komedyang kwento?" Tanong ni Muhar. "Hindi." "Maiksing sagot ni Mr. Lee. "Paano mo ikukumpara ang pagsusulat sa ibang trabaho? Madali po ba o mahirap?" Tanong ni Karding. "Madali lang naman talagang magsulat, kukuha ka lang ng panulat at papel, tititigan mo ang papel hanggang tumulo na yong dugo mo na nanggaling sayong utak papunta sa papel." Sagot ni Mr. Lee. "Ang lalim po non ah." Wika ni Karding. "Sa totoo lang, pagsusulat ang pinakamahirap na trabaho para sakin. Hindi mo kase alam kung lahat ng mga tao ay sasang-ayon sa sinulat mo. Napakaraming kritiko, batikos, minsan hindi maiwasang maikumpara ang gawa mo sa gawa ng iba. Nandyan yong mga taong masasagasaan mo, kailangan meron kang lakas ng loob para harapin ang mga balik nila." " Pero isa lang ang masasabi ko sa pagsusulat o sa pamumuhay ng tao. "Hindi mo kailangang sumulat ng isang bagay na napapanahong kwento dahil pamilyar o uso, kundi sumulat ka ng isang kwento na nasasaloob mo. "Tulad ng pamumumuhay ng isang tao, hindi mo kailangang makibagay sa mga tao para lang maging sikat o mapansin ka. Bagkos, ikaw mismo ang kailangang makibagay sa sarili mong mundo. Dahil napakaraming taliwas ang paniniwala dito sa mundo, kakainin ka lang ng isa sa kanila kung magiging mahina ka."

Sinabi nila Karding at Muhar kay Oslek ang totoong kalagayan nila sa mundo ng mga tao. Pinagbigyan naman ang dalawa na mamalagi muna sa mundo ng mga tao. Pero wala silang kapangyarihan, dahil yon daw ang batas nila. Kapag walang misyon, walang powers. Pumayag naman ang dalawa dahil nasanay na din sila na hindi gumamit ng powers. Papasok sa trabaho si Mr. Lee ng biglang may lumapit sa kanya at nagbigay ng sulat. Pagkabigay ay umalis na din agad ang lalaki na hindi nya nakilala. "Bibigyan ka namin ng tatlong araw, itigil mo na ang paninira samin, alam mo na ang mangyayari kapag hindi ka sumunod."(nilalaman ng sulat) Dahan dahang kinuyumos ni Mr. Lee ang papel pagkatapos basahin ang sulat. Hindi na nya nagawang tumuloy pa sa trabaho. Madalas na syang makatanggap ng mga banta, pero ang huling sulat na nabasa nya ay kakaiba sa pakiramdam nya, hindi sya mapalagay. Alam nyang si Gov. Baleling ang may pakana ng lahat. Si Baleling din ang itinuturong nagpapapatay noon sa kanyang mga magulang. Alam nyang tututuhanin ni Baleling ang banta dahil sa mismong magulang nya ay nagawa yon. Hindi nya sinabi sa dalawa ang nangyari, ayaw nyang merong nag-aalala sa kanya.

Sunday, January 2, 2011

Good Morning Pilipinas

Umaga siguro ang pinaka-mahalagang simula sa buong araw. Kase dito nagsisimula ang buong araw. Dito din nababase kung magiging maganda ang araw mo. Pag maganda ang gising, tiyak maganda ang kalalabasan ng maghapon mo. Sa umaga nagsisimula ang unang step ng buhay. Almusal, breakfast para sa mga nagmamadaling kumain. Nagiging breakfast lang ang almusal pag nagmamadali ka dahil late ka ng gumising. break-fast, (mabilis na break.) Para maiwasan ang breakfast, gumising ng maagap. (Tarantado ang hindi sasang-ayon.) Napakasarap kumain ng almusal, lalo na pag hindi nagmamadali. Sinangag,pandsal, itlog at mainit na kape. Yan ang simpleng almusal na maituturing. Sinangag at hawot/tuyo at may sawsawang maanghang na suka. Pero ang pagkaing tuyo,hawot o itlog ay mga pagkain na nakaka-high blood kesa sa baboy, manok o baka. Dahil madalas kong marinig, put**@%i$na tuyo na naman!!
Pero wala ng sasarap pa sa gising na pagmulat ng mata mo ay makikita mo sa kaliwa mo ang anak mo at sa kaliwa naman ang asawa, at paglabas mo ng kwarto at pag deritso mo sa kusina ay naghihintay ang pamilya mo at sabay sabay kayong kakain.







________________________________________________________________