Saturday, May 25, 2013
Ulan
Nilamon ako ng sarili kong pagkatao sa unang bugso ng ulan ng Mayo. Malamig, ngunit may bahagyang pamatid ginaw sa nangingiligkig na braso. Hindi ko maisip ang hinahanap kong init-kalinga, hindi dahil nasa bag ko ang aking malong. Isa itong mahabang-mahabang paglalakbay ng napakalayong malapit na abot tanaw ngunit hindi ang kanyang kamay. At hindi ko alam kung paano lalakarin ang pabalik. Walang kasingngalay ang mga paang nababad sa nanilaw na tubig, at mula sa tubig―hindi ko maramdaman kung lamig o ligamgam ang kumakapit sa aking buto. Hindi ito paalam, ito'y katotohan.
Friday, May 24, 2013
pink white blue
Meron akong gitara, hindi ako bihasa sa pagtotono pero kaya kong idrop-D at ibalik sa standard at marunong akong magbasa ng tab. Kaya hindi mo na siguro itatanong kung bakit bumili ako ng gitara sa Moa noong nanuod tayo dati ng sinasabi mong fireworks. Hindi naman ako marunong magsepra, kaya natagalang mabuo ang kantang pink white blue. Sabi mo, magandang wala sa tono.
Hindi man ako makatira sa tubo at makapag-50-50 pero kaya ko namang mag kick-flip at hell-flip. Mataas akong mag-ollie kumpara sa niyupi mong coke in can noong may nakita tayong bagong spot na laruan sa tapat ng metro bank. At may karapatan akong bumili ng skateboard maski landway pa itong pambasagan ng trucks at bungo. Sinabi mo pa nga, sana tensor trucks na lang ang binili ko. Hallerr? Wala akong budget para sa ganoong brand noong panahong iyon at maski ngayon. At ang mahalaga, marunong akong mag-ride then ollie kaya bumili ako maski landway. Hindi ko lamang ito binibitbit para lang masabing skater ako.
Hindi man ako makatira sa tubo at makapag-50-50 pero kaya ko namang mag kick-flip at hell-flip. Mataas akong mag-ollie kumpara sa niyupi mong coke in can noong may nakita tayong bagong spot na laruan sa tapat ng metro bank. At may karapatan akong bumili ng skateboard maski landway pa itong pambasagan ng trucks at bungo. Sinabi mo pa nga, sana tensor trucks na lang ang binili ko. Hallerr? Wala akong budget para sa ganoong brand noong panahong iyon at maski ngayon. At ang mahalaga, marunong akong mag-ride then ollie kaya bumili ako maski landway. Hindi ko lamang ito binibitbit para lang masabing skater ako.
kung sakaling makalimutan man nila ang iyong pangalan
"tayo'y nagkakapit bisig sapagkat tayo'y nagmamahal―napopoot at nagkakaisa."
mga salitang inilarawan
ng iyong mukha―noong ika'y
ihatid sa tarangkahang hindi natin
itinuturing na kawalan.
nakangisi silang nagmasid
sa luksang hindi mahubad―silang mga walang alam
sa kasaysayan ng mga dugong dumanak sa kabyawan
na ang bawat pagpupumiglas
ng ating mga bisig ay nag-uumapaw ang poot.
lamang―kung alam lamang natin
na ang huli mong ngiti at pagpakat
ay huli mo na ring paalam
hindi salita ang aming itutugon;
isang mahigpit na yakap ng pagpupugay at pasasalamat.
oo, tayo'y nagkakapit bisig
sapagkat tayo'y nagmamahal―napopoot at nagkakaisa.
kaya't may hudya't ang bukas.
sa pagtagos ng bala ng baril
sa iyong likod
nang nagmantsa sa damit nila
ang tumilamsik mong dugo
at ang gatla ng kanilang
wakas.
Mapalacio, Hacienda Luisita
April 18, 2013
sa alaala ni Juancho Sanchez, 20
Thursday, May 23, 2013
Sitiskan
"If you die you're completely happy and your soul somewhere lives on. I'm not afraid of dying. Total peace after death, becoming someone else is the best hope I've got."
—Kurt Cobain
Naalaala ko 'yong sinabi ni Lola—noong malakas pa siya, noong hindi pa niya nakakalimutan ang pangalan ko. Aniya, ang lahat raw ng tao ay maaaring mabuhay ng mahigit sandaang taon,dalawa, o higit pa sa—magpakailanman. Hindi ko maintindihan, paulit-ulit niyang sinabi habang pinupunasan niya ang likod ko.
Naikwento ko kase sa kanya na namatay ang tatay ng kababata kong si Lindle, pagkauwi ko galing sa paglalaro ng tumbang preso. Ganoon naman daw talaga ang buhay, hindi natin masasabi. Ikinumpara pa niya sa inaalagaan kong hipon na dala niya galing sa palengke at sa alaga kong puting daga. Ika niya, malawak ang pagkakaiba ng dalawa. Ang hipon raw na galing palengke na ibinubukod ko at inilalagay sa timba ay hindi magtatagal ang buhay, sapagkat nakalaan raw ito para iulam—kaya sa susunod raw na bumili ulit siya ng hipon ay hayaan ko na lang na lutuin niya. Nang sa gayon, hindi na raw ako malungkot ng ilang oras kung mamamatay ang hipon. Maikling panahon lang naman ang pagluluksa sa hipon na laging namamatay pagkaraan ng maghapon kumpara sa dagang puti na ilang buwan ko ring inalagaan. Ang pagkakaiba lang raw ng Tatay ni Lindle sa alaga kong daga ay maraming nagmamahal sa tatay ni Lindle at sa daga ko naman ay kami lang dalawa. At maaari pa ring bumili ng daga para alagaan upang maibsan ang lungkot kumpara sa Tatay ni Lindle—at maaari pa ring mabuhay ang Tatay ni Lindle depende sa mga taong nakapalibot sa mga alaala ng Tatay ni Lindle. Bahagya kong naintindihan si Lola hanggang mabihisan na niya ako.
At totoo pala ito, noong halos magkasabay akong iniwan ni Lola at ng isang malapit na kaibigan—si Reggie.
Bawat galaw ng kamay ng orasang walang kapaguran ay nakaantabay sa pagbalikwas ng bawat panghihinayang. At araw-araw ay nagbubuntis ng kalungkutan at nagluluwal ng pagtangis—ang mga araw na naghahanap pa rin ng kasagutan na hindi kayang sagutin ng hilahil. Hindi tulad ng hipon at dagang puti na pinaglalaanan ng oras para pakainin at laruin, literal na madaling ilibing. Sabi ni Lola—ganoon naman daw talaga ang buhay.
Masakit ang maiwan—o mas masakit ang mang-iwan? Lamang—kung makakausap ko si Lola—naitanong ko sana. Sayang, marami pa naman akong kailangang itanong, tulad ng paaano niya nakalimutan ang pangalan ko ngunit hindi ang aking tawa noong huli kaming magkausap sa hospital. At ihihingi ko ng paumanhin ang hindi pag-abot ng bitbit kong mansanas sa kanyang huling buntong hininga. Wala e, ganoon naman daw talaga ang buhay.
Tulad ng sinabi niya noon, maaaring mabuhay ang tao ng mahigit sandaang taon,dalawa, o higit pa sa—magpakailanman. At siya. At gusto ko ring mabuhay ng magpakailanman, o kung hindi man—hihingi ako ng ilang taon na maaari kong mapagkasya sa lahat-lahat ng kakulangan sa puwang na hindi ko pa magawang pagtagpi-tagpiin, at kung saan may pusong tumitibok at hindi katawang naaagnas sa katotohanang hanggang diyan ka na lang sa kinasasadlakang ganoon naman daw talaga ang buhay.
At may kirot ito sa sulok ng aking damdamin at utak.
Dito galing ang litrato.
Monday, May 20, 2013
Sunday, May 19, 2013
Pagitan
"Ang pag-ibig ay isang distansya."
― Genevieve Asenjo
nagtataksil tayo
at nagmamahal.
kaya't nagmamahal
tayo at nagtataksil
sa sarili
nating―
damdamin.
Wednesday, May 15, 2013
amihan
pumailanlang sa hangin
kuyumos na papel,
at natiyak ang
kawalang katiyakan
kung saan bubulusok.
alam ko ang pakiramdam
ng papel
na lutang.
sa kalawakan
ng kawalan.
kuyumos na papel,
at natiyak ang
kawalang katiyakan
kung saan bubulusok.
alam ko ang pakiramdam
ng papel
na lutang.
sa kalawakan
ng kawalan.
Putangnangaraw
araw-araw,
lagi tayong naglalakbay.
magkakaiba man ang landas--
pareparehas pa rin tayong tumatanaw;
sa pupuntahan,
o sa nakaraan.
hinahatid tayo ng mga kagustuhan natin.
sinusundo tayo ng kabiguan o tagumpay.
lungkot o ligaya.
araw-araw,
may makikita tayo--
malalaman o makakalimutan.
ngingiti o luluha.
araw-araw;
ay maraming tanong
kung bakit dito ay iba?
kung magkaugnay nga ba ang dito at doon?
ang hagdan ba'y pagitan lamang ng nasa itaas at ibaba?
araw-araw,
naglalakbay tayo.
kahit tayo'y nakatahan lamang-
sa tarangkahan ng mga pangarap.
araw-araw,
nakikita lamang natin
ang ating sarili,
tuwing tayo'y mananalamin.
Sunday, May 5, 2013
poor pulled panting pathetically
*pasintabi kay november drama sa pamagat.
nakahanay ang kanya-kanyang gutom
sa liwasang pinggan
ng mga may puting anino.
isang mahabang pilang uugod-ugod
sa pag-usad
kung pagmamasdan
sa tarangkahan
ay tila mga presong
may tangan na mangkok,
naghihintay sa pagsalok
ng nilalangaw na lugaw
sa labas, bilanggo ngang ituring ng mga mata
dahil sa bawat siwang ng bakal sa pultahan
mainam kung luha na lamang
ang pamatid uhaw
o kaya'y kanya-kanyang laway.
lasahan ang alat at pait
dahil mas malabo pa sa pusali
ang abiso ng pagpatak ng ulan
sa nakasahod na uhaw.
magt'yaga sa alat at pait
ng kanya-kanyang mga laway
hanggang abutan ng patay na oras
at pagtatapos ng programang
pantawid ng gutom sa loob ng isang araw.
at bukas,
may dahilan ka na.
para pumila sa ibang hanay
nakahanay ang kanya-kanyang gutom
sa liwasang pinggan
ng mga may puting anino.
isang mahabang pilang uugod-ugod
sa pag-usad
kung pagmamasdan
sa tarangkahan
ay tila mga presong
may tangan na mangkok,
naghihintay sa pagsalok
ng nilalangaw na lugaw
sa labas, bilanggo ngang ituring ng mga mata
dahil sa bawat siwang ng bakal sa pultahan
mainam kung luha na lamang
ang pamatid uhaw
o kaya'y kanya-kanyang laway.
lasahan ang alat at pait
dahil mas malabo pa sa pusali
ang abiso ng pagpatak ng ulan
sa nakasahod na uhaw.
magt'yaga sa alat at pait
ng kanya-kanyang mga laway
hanggang abutan ng patay na oras
at pagtatapos ng programang
pantawid ng gutom sa loob ng isang araw.
at bukas,
may dahilan ka na.
para pumila sa ibang hanay
Saturday, May 4, 2013
tayo ang mga salitang hindi maaaring tulain
marami tayong
sana,
sa simula ng bawat salita
noong huli tayong magkita.
marahil, nais nating ipabatid
na tayo'y mga salitang
hindi maaaring tulain
sa kanila.
wala tayong sinisisi
sa mga pangyayari
maliban sa panahon.
dahil ang mga salitang
maaaring ikubli sa kasalukuyan
ay hindi natin natitiyak
kung maaari pang
magpabatid bukas.
at sa mga darating pang mga araw.
iginagapos tayo ng mga sana
sa bungad ng ating mga salita.
ang layo'y pawalan ng kabuluhan
ang bawat pangungusap.
maglaon mang tayo'y manatiling
mga salitang hindi maaaring tulain,
hindi iyon katapusan ng lahat
ng mga binuo nating mga salita.
sa isang panahong
pagbubugkusin tayo.
hindi lang ng mga tula.
sana,
sa simula ng bawat salita
noong huli tayong magkita.
marahil, nais nating ipabatid
na tayo'y mga salitang
hindi maaaring tulain
sa kanila.
wala tayong sinisisi
sa mga pangyayari
maliban sa panahon.
dahil ang mga salitang
maaaring ikubli sa kasalukuyan
ay hindi natin natitiyak
kung maaari pang
magpabatid bukas.
at sa mga darating pang mga araw.
iginagapos tayo ng mga sana
sa bungad ng ating mga salita.
ang layo'y pawalan ng kabuluhan
ang bawat pangungusap.
maglaon mang tayo'y manatiling
mga salitang hindi maaaring tulain,
hindi iyon katapusan ng lahat
ng mga binuo nating mga salita.
sa isang panahong
pagbubugkusin tayo.
hindi lang ng mga tula.
Kahon
ang kalahati ng ako
ay sumapi sa hangin
sa mundong bawat galaw
ay piging na ituring
nila.
ang mga braso't kamay
ay bakal.
na may mga aninong sumasayaw;
sa saliw ng pag-ibig
poot,
at makinang kumikitil
ang kalahati ng ako
na hindi sumapi sa hangin
ay nasa balikbayan box.
kaingat sa pagbukas
mahal.
ay sumapi sa hangin
sa mundong bawat galaw
ay piging na ituring
nila.
ang mga braso't kamay
ay bakal.
na may mga aninong sumasayaw;
sa saliw ng pag-ibig
poot,
at makinang kumikitil
ang kalahati ng ako
na hindi sumapi sa hangin
ay nasa balikbayan box.
kaingat sa pagbukas
mahal.
Friday, May 3, 2013
Hindi kita ihahatid. hindi
Sabi sa isang pelikulang napanood ko, ang anak raw ang maghahatid sa ina--hindi maaring ang ina ang ihahatid ng anak. Kaydali namang sabihin o sapat na bang sabihing;kailangang mas mabuhay ang anak, kase marami pa siyang kailangang malaman o matuklasan sa santinakpan. O kaya, "ganun talaga, may nauuna, una-una lang yan." Marami pa akong gustong sabihin, pero ayaw ko munang ituloy, dahil wala pa sa ating maghahatid sa tarangkahan ng kawalan.
Subscribe to:
Posts (Atom)