Wednesday, May 15, 2013
Putangnangaraw
araw-araw,
lagi tayong naglalakbay.
magkakaiba man ang landas--
pareparehas pa rin tayong tumatanaw;
sa pupuntahan,
o sa nakaraan.
hinahatid tayo ng mga kagustuhan natin.
sinusundo tayo ng kabiguan o tagumpay.
lungkot o ligaya.
araw-araw,
may makikita tayo--
malalaman o makakalimutan.
ngingiti o luluha.
araw-araw;
ay maraming tanong
kung bakit dito ay iba?
kung magkaugnay nga ba ang dito at doon?
ang hagdan ba'y pagitan lamang ng nasa itaas at ibaba?
araw-araw,
naglalakbay tayo.
kahit tayo'y nakatahan lamang-
sa tarangkahan ng mga pangarap.
araw-araw,
nakikita lamang natin
ang ating sarili,
tuwing tayo'y mananalamin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment