Monday, September 27, 2010

Tagay part 2

Wala pang isang oras, natapos na ni JP ang tungkulin nya sa bahay. Ayaw na nyang makarinig ng kung ano-ano sa nanay nya kaya mas minabuti nyang lumabas ng maagap para tumambay. Napag desisyonan nyang pumunta kay Mio, "eeeeepiliiiiiipztik! yoooooooooohooooooooooo!" sigaw ni JP.
"Mio, nasa labas si JP."wika ng nanay ni Mio. Hindi naririnig ni Mio ang nanay nya dahil naka headset sya gamit ang kanyang mp3 player. Naka tatlong sabi na ang nanay ni Mio bago nya napuna na hindi sya naririnig ng anak. Kaya isang malakas na sigaw ang inabot ni Mio. "HOOOY MIO! ANAK KA NG BAKLANG BUTANDENG NASA LABAS SI JP TINATAWAG KA!!" Bulyaw ng nanay ni Mio. Halos malaglag si Mio sa gulat. "Nanay naman, wala naman tayo sa bundok para magsigawan, kung nalaglag tong mp3 ko baka itakwil kita bilang ina." wika ni Mio at may kasunod na tawa. "Oo wala nga tayo sa bundok, eh ikaw naman nasan? Nasa sayawan?" sagot ng nanay ni Mio na may kasunod na mahinang hampas ng walis tambo sa binti. Si aling Josie ang nanay ni Mio, mabait na nanay. Madalas makabiruan ng mga anak at kaibigan ni Mio. "Oh pano nay? Labas muna ako. Wala naman pasok eh, tambay muna kami ni JP." wika ni Mio. "Sige, mag-iingat kayong dalawa.

"Oh epilipztik, parang sinakluban na naman ng inidoro yang pagmumukha mo. Alam ko na ang dahilan kaya wag ka ng sumagot." wika ni Mio. "Oo nga eh. Nakakasawa na sa pang araw-araw, kung may maganda lang sigurong trabaho ang tatay baka maayos ang buhay namin. Naiintindihan ko din naman ang nanay kung bakit sya ganun, dahil na din siguro sa subrang dami ng gawain nya araw araw para lang kumita ng pera." wika ni Jp.
"Doon tayo, masarap sa ilalim ng puno, mahangin." wika ni Mio.

"Tanda mo pa ang punong to? Dito tayo umaakyat nila Binggo nun mga musmos pa tayo. Wala tayong ginawa kundi maglaro, walang problema. Pero ngayon, sa pag-aaral ko daming problema. Hehe, kung paano ba ang assignments ko,report ko, projects at kung ano-ano pa. Kahit ikaw, alam ko madami ka din problema. Pero hindi katulad noon, hindi pa tayo nagkakaproblema, puro laro lang nasa isip natin. Pero habang tumatagal, nagkakarron na tayo ng isip. Kaya ikaw boy, wag mong hayaang masira ang umaga mo dahil lang nabulyawan ka ng nanay mo. Gusto mo bang magtrabaho? Tulungan kitang maghanap sa bayan?" wika ni Mio. Sinimulan ng dalawa na maghanap ng trabaho, madali naman silang nakakita, waiter sa isang restaurant. Kaso ang problema, kulang si JP sa requirements. "Siguro epelipztik, hintayin na lang nating umuwi si Binggo para makahiram tayo ng pera." wika ni Mio. "Sa palagay ko nga boy, mabuti pa umuwi na tayo, sa bahay ka na kumain. Kami lang naman ni nanay ang tao ngayon don. wika ni Mio.



-itutuloy

Friday, September 10, 2010

Si Karding at ang Pitong Duwende (Part 5)

Nakabili na nga ng dalawang motor si Karding at Muhar. "O pano? San na tayo pupunta nito? Naka motor nga tayo pero hindi naman natin alam kung asan ba at kung paano natin makikita yon pakay natin dito sa mundo ng mga tao?" Reklamo ni Karding. "Ang hirap ng misyon natin Karding." Wika ni Muhar. "Sinabi mo pa, sana may magic tayo para madali nating makita ang pakay natin." Wika ni Karding. "Diba nga may magic tayo talaga? Kanina pa nga natin ginagamit eh. Buti pinaalala mo haha." Naghagis si Muhar ng isang maliit na bato at tinitigan hanggang maging isang maliit na gadget na kaseng laki lang ng itlog.(take note,itlog ng manok at hindi itlog ng tao para sa mga greenminded. trivia: mas malaki ang itlog ng manok sa tao kahit pagdikitin nyo.) "Wow Muhar ang ganda naman nyan gadget mo. Anong tawag dyan?" tanong ni Karding. "Yan ang tinatawag na "detector x". Makikita natin sa screen na yan kung nasan ang pakay natin. Susubukan kung i-on, baka dito lang sa malapit ang hinahanap natin." wika ni Muhar. Binuhay nga ni Muhar ang gadget. "Naku, ang layo pa natin Karding, 2 bayan pa ang dadaanan natin bago natin makita ang pakay natin. Tamang tama pala ang kuha natin ng motor. o pano? tara na." wika ni Muhar.

Binuhay na ng dalawa ang kanilang motor. "Karding, ang sama ng tunog ng makina at hindi ako komportable pag upo. Teka lang ha,papaltan ko ng pipe at shifter." Wika ni Muhar. Tinitigan lang ni Muhar ang tambutso at napaltan na ito ng Loud Pipe. "OK ba Karding? tanong ni Muhar. "Wow ang ganda naman ng tambutso mo. Yon saken ay hindi ko na babaguhin, ok na to. Tara na."

Umalis na nga ang dalawa, mahigit isang oras din ang byahe ng dalawa bago makarating sa pakay nila. "Teka lang Karding, umiilaw na itong gadget. Mabuti pa bumaba na tayo para madali nating mahanap ang pakay natin." wika ni Muhar. "Sige, mabuti pa nga." sagot ni Karding. Bumaba sa motor ang dalawa at hinanap ang lugar kung saan nakatutok yon ilaw sa gadget nila. "Oh? andito na tayo sa pakay natin ah? Bakit wala tayong nakikita?" pagtataka ni Muhar. "Baka sa ilalim ng lupa, baka huhukayin natin Muhar?" Sagot ni Karding. Nagmagic ulit si Muhar at lumabas ang isang pala at piko. "Ako ang maghuhukay at ikaw ang magpapala, ok ba sayo?" tanong ni Muhar. "Uo payag ako." tugon ni Karding. Naghukay na nga ng naghukay ang dalawa, halos limang oras na silang naghuhukay pero at malalim na din ang nahukay nila pero wala pa din ang pakay nila. "Mabuti pa Karding, magpahinga na muna tayo at kumain, nagugutom na din ako." wika ni muhar. "Muhar,wala tayong dalang pagkain at saka ngayon ko lang naalala na hindi gagana ang magic natin pag 50meters ang layo natin sa taas." pag-aalala ni Karding. "Hala, nakalimutan ko din,pano tayo nyan. kelangan na nating maghukay ulit. Baka abutin tayo ng ulan, malunod tayo dito."
Lingid sa kaalaman nila, nagbabadya na ang isang malakas na ulan.



-itutuloy pag sinipag ulit magtype