Wednesday, November 28, 2012

Hindi Sila Ang Paborito Mong Reporter


singtaas ng takong ni vice ganda ang pagtaas ng kilay mo nang maipit ka sa traffic dahil sa mga raliyista, kung sabagay--hindi mo naman kilala ang biktima, wala silang pangalan, hindi sikat. hindi naman sila mga reporter na madalas mong abangan tuwing linggo tulad sa the buzz.

buti na lang;
nawala ang iyong pagkadismaya,
dahil kasal ni zoren at carmina.




Monday, November 19, 2012

Simoy Ng Kanyang Sining


Simoy ng Kanyang Sining
-lenkurt lopez

Naaamoy ko na ang simoy ng kanyang sining.
Napasinghap ako sa indibidwal na patak ng ulan.

Kumikislap ang maliliit na tanglaw.
Tila isang pag-asang patay-sindi sa gitna ng karimlan.
Bukang liwayway, patay na sinindihan--
sa pagbabagong anyo ng sariling kapakanan.

Naririnig ko na ang simoy ng kanyang sining.

Tumatagos sa balat ko ang mga nota,

malamig

mahapdi

at makirot.

Naging instrumento ang himig ng mga batang yapak.
Yakap ang tambol at kumakalam na sikmurang pinagkaitan.
Itinaboy, humakbang palayo.

Naghabilin ng ngiti,
sa gitaristang postura't may hawak na sobre.
Sa kanya'y humalili--

narinig kong muli ang simoy ng kanyang sining.

Taliwas sa payak na diwa ng pagsilang sa sabsaban.

Nadarama ko na ang simoy ng kanyang sining.
Pinaunlakan s'ya ng hangin.
Nagkipag-isang dibdib upang hindi ito maangkin