Wednesday, December 29, 2010

Si Karding at ang Pitong Duwende (Part 7)

Pumayag si Muhar at Karding na tumira muna sa apartment ni Mr. Lee. Si Mr. Lee ay isang aktibista, may mga librong self published at sumusulat din sya sa mga pahayagan at magazine. Makalipas ang ilang araw, nanumbalik na ang lakas ni Karding at Muhar. Sila lang dalawa ang naiiwan sa apartment dahil madalas wala si Mr. Lee kaya wala silang ginawa kundi kumain at matulog. Nawala na din sa isip ng dalawa ang kanilang misyon dahil nalilibang na sila sa mundo ng mga tao. Lingid sa kaalaman nila, nababahala na si Oslek dahil nakakalimutan na nila ang misyon, (si Oslek ay isa sa mga pitong dwende kung hindi mo nalalamang hayop ka, makikilala mo sya sa unang kabanata ng kwentong ito). Kaya binalak ni Oslek na ipadala si Isko (tulad nya, makikilala mo di sya sa unang kabanata. ok?!!)
"Isko, itxt mo nga si Muhar at Karding, ipaalala mo ang kanilang misyon. Dahil masyado ng malala ang nangyayari dito, halos wala ng makain ang mga kasama natin dahil sa pagkamatay ng mga hayop at pagkatuyo ng halaman." Utos ni Oslek kay Isko. "Pasensya ka na Oslek, regular ang load ko, hindi ako makapag-unli. Mahirap kase mag unli txt at call ngayon kase new year holiday." Saka unli ca .. (pinutol na ng narrator ang sasabihin ni Isko dahil baka ma-high blood lang si Oslek.) "Ganito na lang, Ikaw ba jessy? busy ka ba? papupuntahin kita sa mundo ng mga tao sa eksaktong lugar ng dalawa para ipaalala sa kanila ang kanilang misyon. Pero isang minuto lang ang kaya ng powers ko." Wika ni Oslek. (Si Jessy ay makikilala din sa unang kabanata! Kailangan pa bang ememorize yan?) Dahil mabait si Jessy at hindi naman sya unli call ngayon kase nga holiday kaya pumayag sya sa ipinapagawa ni Oslek.
"Humawak ka sa kaliwang tainga ko at ipapadala na kita sa kinaroroonan ng dalawa. Are you ready na?" wika ni Oslek. "Ready na ko." Maikling sagot ni Jessy. "Uulitin mo lang ang sasabihin ko." wika ni Oslek. game.. "extra rice extra rice extra rice still im burn inside, extra rice extra rice still im burn inside, tiiiiiiiiit! agent orange get up get up!" orasyon ni Oslek. Binigkas ni Jessy hanggang mapa slam at head bang hanggang mawala na sya sa isang iglap.
Kasalukuyan namang nanunuod ng THE BUZZ ni Boy Abundat sila Karding at Muhar ng lumabas sa harap nila si Jessy. Nagulat ang dalawa, "Jessy ikaw ba yan?" tanong ni Karding. "Uo ako to, pinadala lang ako ni Oslek dito para ipaalala ang misyon nyo." wika ni Jessy. "Tutulungan mo na din ba kaming maghanap?" tanong ni Muhar. "Hindi, isang minuto lang ang oras ko dito sa mundo ng mga tao. Ipaalala lang sa inyo ang misyon,yon lang ang utos saken." wika ni Jessy. "Hanep, parang fliptop battle lang 1 minute." wika ni Muhar. "Makalipas ang isang minuto, nawala na si Jessy. "Uo nga pala may misyon pa tayo. Ano na kaya ang kalagayan nila ngayon?" Naitanong ni Karding sa sarili.



-itutuloy





___________________________________________________________________________