Thursday, July 14, 2011

True to life story [Ang Hinagpis sa Labahin]





Bata pa lang ako, marunong na akong maglaba. Alam ko na ang mga paraan ng tamang pagkukusot at tamang pagbabanlaw. Paborito kong gamitin ay ang tops na panlaba. Nakatapos ako ng highschool na puro paglalaba ang nasa isip ko. Minsan nababadtrip ako kapag naiisip kong walang subject sa school na paglalaba. Ewan ko ba kung bakit adik na adik ako sa paglalaba. Gusto kong dumihan ang damit ng nanay, tatay, lola, lolo, kapatid ko para malabhan ko ulit mga damit nila. Pero dahil nagagalit sila kaya tinitigilan ko na. Maghintay na lang daw ako ng mga labahin. Kaya sinabihan ko na lang ang mga kapitbahay ko na lalabhan ko ang mga damit nila. Pumayag naman sila. Dumating ang pasukan sa college. Nadismaya ako dahil walang kurso tungkol sa paglalaba. Hindi na lang ako nag-aral. Naglaba na lang ako ng naglaba. Naglabasan na ang mga bagong panlaba tulad ng ariel at iba pang putanginang panlaba na takaw advertise kaya lang naman nabibili. Pero hindi ko pa din pinagpalit ang tops. Dahil sa kaadikan ko paglalaba, ibinili ako ng tatay ko ng washing machine. Don ko nalaman na hindi nya ako mahal. Putangina naman kase, alam naman na hilig ko ay pagkukusot tapos ibibili ako ng washing machine? Kaya pinagtataga ko ang waching machine sa harap nya para malaman nya kung paano nya ako sinaktan. Hanggang ngayon ay paglalaba pa rin ang trip ko. Sa ngayon ay meron na akong laundry shop. Kapag pala talagang hinasa mo ang talent mo ay magtatagumpay ka kahit anong dumi o mantsa man ang dumagok sa pantalon o damit mo. Sana ay magsilbing aral ang kwento kong ito lalo na sa mga kabataan.

Nagmamahal,
NiƱo



Para sa ibang true to life story, ipadala lang sa true2lifestory@yahoo.com

Friday, July 8, 2011

Nasaan ka na nga ba??















It̀s been a long time since Jonas disappeared,were thirsty for his freedom! End the sufferings!

Support freejonasburgosmovement.