Wednesday, August 18, 2010

Si Karding at ang Pitong Duwende (Part 3)

Nabusog nang sobra ang dalawa. "Karding, pwede bang maupo muna tayo saglit? Nagkakalantugan sa tiyan ko yong mga kinain natin." Wika ni Muhar na mukhang natatae.
"Teka lang, maghanap muna tayo nang muopuan." Wika ni Karding. Hindi pa sila nakakahanap ng upoan ay napansin na ni Karding na may sumusunod sa kanilang apat na lalaki. "Dont Call my name don't call my name ALEJANDRO!" "UH? Ano yon nakakagulat." napasigaw si Muhar. "Tanga! message alert tone ko yon. Nagpalit ako kanina, na download ko pala sa computer shop kanina to. Nagtxt si Oslek. Teka basahin ko." Merong apat na lalaki na sumusunod sa inyo, mag-ingat kayo. Gusto nilang makuha ang dala nyong bag. Mensahe mula kay Oslek. "May sumusunod nga satin. wika ni Karding. Pansin ko nga, sila yon kasabay nating kumain kanina. Huwag mong tingnan masyado Karding, Kunwari ay hindi natin alam ang pakay nilang apat para makadiskarte tayo nang maayos." Wika ni Muhar. "Ganto ang plano Muhar." Papasok tayo don sa bilihan ng damit, pupunta tayong CR. Tapos magpapalit tayo ng katawang tao para hindi na nila tayo makilala." Utos ni Karding. Ganun nga ang ginawa nang dalawa. "Pare, pumasok sila don sa tindahan. Abangan natin silang lumabas." Wika nang isang lalakeng sumusunod sa kanila. Hindi na umimik ang tatlong lalake pagkatapos magbigay ng instruction ang unang lalake dahil baka barahin lang sila ng narrator.
Hindi namalayan ng apat na lalake na nakalabas na si Karding at Muhar sa tindahan dahil iba na ang kanilang hitsura. "Pwede na ulet tayong mag-uli para masolve na natin ang pakay natin dito sa mundo ng mga tao." wika ni Karding.



---itutuloy pag sinipag ulet mag type.

No comments:

Post a Comment